Finally after long months of waiting...mafefeature ko na din ang isa sa aking kapamilya...
Engr. Fortunato Z. Ultado, pangatlo sa 9 magkakapatid. Sya ang kaisa isang seaman na kapatid ng tatay ko. Bata pa lang ako ay kilala ko na sya sa pagiging kengkoy. Palabiro po ang uncle ko na ito, madalas nyang biruin ang lola Conching namin. Lagi nyang pupurihin ang lutong hinahain ni lola Conching. Matulungin siyang anak at kapatid sa kanyang pamilya. Bago ko malimutan, Renee nga pla ang kanyang palayaw. Bakit ko ba sya gustong mapasama dito sa site ko na ito.
Hindi po ito dahil kamag anak ko sya ha, ito ay dahil hinangaan ko ang kanilang pamilya. Hindi lahat ng nagtatrabaho sa abroad o sa barko ay masasabi mong umasenso. Karamihan kase napunta lang sa wla ang mga pinaghirapan. Si Tito Renee masasabi kong may sariling paninindigan na kumilos upang hindi maging pabigat sa buhay ( bato bato sa langit ang tamaan may bukol ). Masarap magtrabaho sa ibang lugar, isa lang naman dahilan nyan eh kung bakit masarap, kase nakakapagpadala ka sa pamilya mo. Pero ang saya na ito ay may kaakibat na sakripisyo at lungkot minsan pa nga hinanakit. Si Tito Renee ay isang OFW or Seafarer na tinitingala ko. Tulad po ng mga naunang kong nailathala dito ay may mga nakahanda din po ako na katanungan para sa kanya na mabilis naman po nyang nasagot kagabi ( Nov 20, 2012 ). Ng sabihin nya sa akin mula sa FB chat na pauwi na sya...eh dali dali kong sinabi na magkakatime na sya ngayon na sagutin yung mga pinadala kong questions.Twing dadaong lang kase ang kanilang barko sya nakakapag internet kaya inabot ng ilang buwan ito bago masagutan.
ANSWER: Electrical Engineer
5. Masaya ka ba sa barko?
13. Sa mga bansang napuntahan mo anong lugar ang sa tingin mo na dapat mapuntahan ng isang expat? bakit?
19. Anong payo ang pwede mong ibahagi sa mga nagbabalak na umalis ng bansa?
Alam niyo kung ano sa mga sagot ni Tito Renee ko ang tinamaan ako? Nung sabihin po nyang....
Pag balak mong mag abroad una pilitin mong mag aral, makatapos para mas competitive ka sa iba,pag naroon ka na eh be responsible keep and treasure all the penny you will earn.
Tama nga yan, may balak ka mang mag abroad o wala pilitin mong makatapos ng pagaaral. Base sa sarili kong karanasan, dito sa abroad isa yan sa tinitignan. Isa yan sa basehan kung lalaitin ka lang nila o hindi. Bakit ko naman ito nasabi...ranas ko kase.Kung gusto mong makapasok sa magandang trabaho meron at meron kang makakaharap na titignan ang qualifications mo. Hindi nila titignan yung kakayanan mo, sa kanila kase ang basehan para makakuha ka ng respeto at tiwala ay kung anong degree ang hawak mo. Okey lang kahit pana ka o pilipino ka basta may tinapos ka ok ka sa kanila. Hindi ko na naman po nilalahat, pero hihintayin mo pa bang mangayari ito sayo, hihintayin mo pa bang mapatapat sa isang superior na ito ang pamantayan nya sa buhay? Hindi syempre. Kaya sa inyong mga estudyante pa lang...hanggat may gustong tumustos sa pagaaral nyo gawin nyo na sikapin nyo na.. at kung dumating man ang panahon na hindi na nila kaya, sa sarili mong sikap pilitin mong makatapos. Pano mo nga naman tuturuan ang magiging mga anak mo na magaral ding mabuti kung ikaw mismo hindi mo yun ginawa.
Tito Renee, salamat po sa pagpapaunlak mo na mailathala dito sa blogsite na ito. Tulad ng nasabi ko na sa iyo sa Facebook, sasabihin ko ito ulit dito para malaman ng lahat. Masaya akong makita ang mga resulta ng paghihirap mo sa barko, ang makita ko ang mga naipundar mo at ang katayuan ng pamilya mo eh nagbibigay sa akin ng saya. Masaya ako na si Tita Cris and naging katuwang mo sa buhay. Mahirap ang tumayong ina at ama para sa 3 kong mga pinsan. Pero pinakita ni Tita Cris, na isa syang responsableng ina at maybahay. Hindi nya hinayaan na mapunta lamang sa wala ang paghihirap nyong magasawa. Proud din ako sayo Tito Renee kase hinayaan mo si Tita Cris na ipagpatuloy nya ang kanyang propesyon. Hinayaan mo syang maging busy sa kanyang sariling propesyon. Yan naman ang sikreto para matawag din nating successful tayong mga OFW eh - yung magkaron ka ng maiiwanan sa Pilipinas na marunong humawak ng resources. Dahil gaano kalaki o kadalas man ang pagpapadala mo sa Pilipinas kung hindi lang din sila marunong humawak don, wala ring mangyayari. Magbabalikbayan ka lang ng parang walang nangyari.
Ewan ko, pero while writing this, naisip ko lang na kahit hindi ako naging beneficiary ng pinangakuan niyang patapusin ng pagaaral - i still want to thank him. I thank you Tito Renee for being the bread winner sa pamilyang Ultado. Thank you for not forgetting where you came from and thank you for not forgetting to send me a message whenever you are online. You still have 5 years to work as a seaman.. so please take care and try to erase in your mind yung answer mo sa Question #14. hehehehehehehe I love you Tito Renee and looking forward to see you all in God's perfect time.
Engr. Fortunato Z. Ultado, pangatlo sa 9 magkakapatid. Sya ang kaisa isang seaman na kapatid ng tatay ko. Bata pa lang ako ay kilala ko na sya sa pagiging kengkoy. Palabiro po ang uncle ko na ito, madalas nyang biruin ang lola Conching namin. Lagi nyang pupurihin ang lutong hinahain ni lola Conching. Matulungin siyang anak at kapatid sa kanyang pamilya. Bago ko malimutan, Renee nga pla ang kanyang palayaw. Bakit ko ba sya gustong mapasama dito sa site ko na ito.
Hindi po ito dahil kamag anak ko sya ha, ito ay dahil hinangaan ko ang kanilang pamilya. Hindi lahat ng nagtatrabaho sa abroad o sa barko ay masasabi mong umasenso. Karamihan kase napunta lang sa wla ang mga pinaghirapan. Si Tito Renee masasabi kong may sariling paninindigan na kumilos upang hindi maging pabigat sa buhay ( bato bato sa langit ang tamaan may bukol ). Masarap magtrabaho sa ibang lugar, isa lang naman dahilan nyan eh kung bakit masarap, kase nakakapagpadala ka sa pamilya mo. Pero ang saya na ito ay may kaakibat na sakripisyo at lungkot minsan pa nga hinanakit. Si Tito Renee ay isang OFW or Seafarer na tinitingala ko. Tulad po ng mga naunang kong nailathala dito ay may mga nakahanda din po ako na katanungan para sa kanya na mabilis naman po nyang nasagot kagabi ( Nov 20, 2012 ). Ng sabihin nya sa akin mula sa FB chat na pauwi na sya...eh dali dali kong sinabi na magkakatime na sya ngayon na sagutin yung mga pinadala kong questions.Twing dadaong lang kase ang kanilang barko sya nakakapag internet kaya inabot ng ilang buwan ito bago masagutan.
1. Gaano ka ng katagal na Seaman?
ANSWER: 23 years as a seaman
2. Nung una kang umalis ano ang naipangako mo sa pamilya mo? Natupad mo na ba?
ANSWER: Pinangako ko na tutulong ako sa kanila, pati na sa pag papaaral sa aking mga kapatid. Natupad ko yon. Pero parang kulang pa, di ako nakapagpatayo sa kanila ng malaking bahay.
3. Matagal ka na bang nagtatrabaho sa ibang lugar?
ANSWER: 23 years na nag babarko at 2 yrs sa Saudi total of 25 years
4. Anong trabaho mo sa barko?
ANSWER: Hindi, pero kailangan e! para sa financial
6. Paano mo nililibang ang sarili mo pag naaalala mo ang mga anak mo at asawa mo?
ANSWER: Iniisip ko na lang ang perang kikitain para sa pamilya,at sinasabayan na rin ng dasal
7. Gaano ka kadalas magbakasyon sa Pilipinas?
ANSWER: 6 1/2 na contrata 2-3 months ang bakasyon
8. Hanggang kelan mo ba balak magtrabaho sa barko?
ANSWER: Pag 55years old na ako so may 5 years pa. Gods will
9. May naipundar ka na ba gaya ng bahay, lupa, negosyo o napagpatapos ng pag-aaral?
ANSWER: Bahay at lupa lang
10. Anong magandang karanasan mo sa mga Opisyales mo na pwede mong maibahagi sa iba?
ANSWER: May opisyal na may kunsiderasyon sa tao, may british na ganon
11. Kung papipiliin ka hahayaan mo ba ang mga anak mo na malayo din sa pamilya nila para magtrabaho sa ibang lugar?
ANSWER: Hahayaan ko pa rin kasi kung iyon ang paraan para gumanda ang buhay.Tutal darating din ang araw na maghihiwahiwalay din kami.
paparty nila for my 50th birthday |
12. Pinagsisisihan mo ba na nagtabaho ka sa abroad at napalayo ka sa pamilya mo?
ANSWER: Hindi, kasi iyon ang naging daan para matulungan ko sila at mabigyan ng maalwan na buhay di tulad ng aking naranasan
ANSWER: Canada or Australia kasi sa ngayon stable ang economy nila at the same time mas maganda ang job security ng OFW specially they respect human rights as well as their goverment
14. Bilang isang Seaman ano ang pinakamagandang karanasan ang naranasan mo sa barko?
ANSWER: Brasil chika babes he he he
15. Sa iyong palagay bakit ba madaming Pilipino ang nag aasam na makaalis ng ating bansa?
ANSWER: Mahirap ang bansa natin. Mas malaki ang oportunidad sa ibang bansa bukod sa mas malaki ang sahod.
16. Ano ang hinding hindi mo na malilimutan na sinabi sayo ng anak mo twing nagbabakasyon ka sa Pilipinas.
ANSWER: Hindi na naman kami Family kasi di kumpleto, wala ka.
17. Ano ang masasabi mo sa pagpapatupad ng compulsary PAGIBIG contribution?
ANSWER: May panget at maganda, una e pwersahan, it means they don't give you choice to balance if it will help you or not. Pangalawa just think of the bright side na meron kang naitatabing pera (wag lang sana nila lustayin) na pag tanda mo e may benepisyo kang aasahan
18. Kung ikaw ang Presidente anong pagbabago ang gusto mong ipatupad para sa kapakanan ng mga Seaman/OFW?
ANSWER: Una itaas ang standard ng suweldo ng OFW,tutukan ang kapakanan nila lalo na sa karapatan pangtao
ANSWER: Pag balak mong mag abroad una pilitin mong mag aral, makatapos para mas competitive ka sa iba, pag naroon ka na eh, be responsible keep and treasure all the penny you will earn. Sa pag aapply naman, be smart check first sa POEA if the agency is legal, baka mapeke. Pero first and foremost ay tumawag ka lagi sa taas for wisdom, guidance and blessings.
my wacky family |