Tuesday, May 12, 2015

May 12

May 12

Siya si Metmet karga siya
ng kaniyang nanay
Whats with this date? 

#FLASHBACK - Exactly 38 yrs ago, somewhere in Makati, a baby girl was born. At dahil batang bata pa ang kaniyang ina nung siya'y ipinanganak, kinuha sya ng kanyang lola at naging prang tunay na anak sya nito....ang batang ito ay walang iba kundi si…. Metmet.  Sobrang mahal siya ng kaniyang lola, TRUE LOVE ang binigay sa kanya nito. TOUGH LOVE naman ang binigay sa kanya ng kanyang nanay. Lumaki siya ng may mommy at may nanay... sila ang dalawang INA sa kanyang buhay. 

kuha ito ng siya'y binyagan, ninang niya ang may
karga sa kanya at yung naka shades ang kanyang mommy (LOLA)

Bakit nga ba sinusulat ko ang bagay na ito…kung tutuusin hindi naman mahilig mag celebrate ng kaniyang kaarawan si Metmet. Sa katunayan noong tumuntuntong sya ng 11 yrs old iyon na ang huling araw na inabangan niya ang May 12. Ordinaryong araw lang ito para sa kanya… maghanda man sya, iyon ay dahil na din sa buyo na ibang kaibigan. Mas mahilig kase sya na sya ang magpaplano ng selebrasyon para sa ibang tao.

kuha ito nung surprise late bday celebration niya
(mula sa kaliwa: Rowena, Ghay at Metmet)
Sya pirmi ang punong abala sa mga pagiisip ng kung ano gagawin, ano ang  bibilhin etc… dumating ang isang araw na gaya ng laging nyang gawa ay naging abala din sya sa preparasyon ng isang bday July 4 ito. Lingid sa kanyang kaalaman na ang mga barkada pala nya ang may inihandang celebration para sa kanya. Ito ang isang surpresang hindi nya makakalimutan… asikasuhin ba naman niya ang isang surprise party na para pala sa kanya.. Napaniwala siya ng mga kaibigan nya na para sa ibang tao yung gagawin nila…. Nagulat na lamang siya ng mag awitan sila ng HAPPY BIRTHDAY ay para pala sa kanya yun…para kela  Maricel, Ghay, Rowena & Elain ibig niyang iparating sa inyo na that day will always be remembered…(Michelle Mata sorry di kita mention dito  kase naman ay wala ka daw noon hehehe)
As I have said … isang ordinaryong araw lamang ito para sa kanya… not a big deal po yun kung may handa man sya o wala, kung may bumati man sa kanya o wala, kung may makaalam man nito or wala… Hindi niya ugaling ibroadcast ang araw na ito pero ngayon gusto nyang ipagsigawan sa lahat na BIRTHDAY NYA NGAYON at gusto nyang ipaalam sa lahat na hindi mapapantayan ng kahit na anong material na bagay ang regalong binigay sa kanya ng Panginoon. Sinagot ang kaniyang mga panalangin...ilang oras na lang hinihintay at darating na kanyang mga anak...pinaghandaan nya ang araw na ito...isang buong pamilya. isang masayang pamilya... habang sinusulat ito ng inyong lingkod ay tumutulo ang aking mga luha... hindi niya hilig ang mag celebrate ng kaniyang kaarawan. Hindi nya hilig yung ipaghanda ang kanyang sarili... iisa lang ang malinaw sa kanya ngayon GUSTO NIYANG malaman ng lahat that GOD ANSWERS PRAYERS. 

isang buong pamilya...isang masayang pamilya

Thank you Lord. Truly you are amazing.