Tuesday, November 13, 2012

MADALI BANG MAGING HOUSEWIFE? part 2

Bata pa lang ako, nasa isip ko na, na gusto kong magtrabaho. I remember nga one of my cousin told me, diba bata ka pa lang gusto mo na talagang magtrabaho kung ano2 nga tinitinda mo noon. Tama naman sya. Sa murang edad ko noon hindi ko pinangarap na ma tengga lang sa bahay, yan talaga ang na isip ko, gusto kong magtrabaho, i want to be a working mom someday. Panganay po ako sa 4 na magkakapatid, yung 2 na sumunod po sa akin ang mga naunang nag asawa sa maagang edad. Si Maybelle ang unang nagka asawa sa amin, dati syang regular employee ng Penshoppe Festival Mall. Nung sya'y magasawa na, iniwan nya ito at naging full time housewife na. Noong una eh nanghinayang ako, sa isip2 ko ang hirap hirap na kaya ngayong ma regular dito tapos pinili nyang magstay lang sa bahay.  Pero, bumilib naman ako sa kanya kase alam ko na hindi madali ang maging isang HOUSEWIFE. Buti na lang marunong syang magluto eh ako, naku hindi ko kako kaya yan kase nga unang una sa lahat ni hindi nga ako marunong magsaing. Nakita ko kung pano nyang ipaglaba si Jojo ( ang late husband nya ), ipagplantsa ng mga damit at ipagluto. Nakikita ko din kung paanong ihanda ni Maybelle ang damit pamasok ni Jojo. Promise akala ko nga nung una eh sa pelikula lang yun ganon. Eh kahit pala sa totoong buhay, ganon. Nakalagay na dyan sa kama yung plantsadong pantalon at polo, medyas, brief at panyo...nakakatuwa diba.
Ayan po ang hindi pumasok sa aking isipan.. ang maging isang housewife. Ang gusto ko ay magtrabaho...
at ayan na po ako ngayon, a working mom para sa aking 3 anak, a working daughter para sa aking nanay at daddy and a working wife para sa aking hubby.

Para po sa akin hindi madali ang maging isang HOUSEWIFE. Ako mismo inaamin kong, napaka laki ng pag hanga ko sa kanila, as in. Ano ba ang ginagawa nila sa bahay, nakikipagchismisan lang ba sa kapitbahay o nakakababad lang sa teleserye o facebook. Maaring may ilang ganyan pero ang sinasabi ko dito ay yung mga maybahay talaga na maybahay talaga ang dating. Sa tingin mo madali bang magisip ng lulutuing pagkain sa almusal, tanghalian at hapunan. Mahirap yun ha masakit yun sa ulo. Just want to site an example, noong ako'y nagtatrabaho pa sa binguhan na kadalasan ay nasa loob ng mall, sa dinami dami ng food stall sa food court ang hirap magisip ng kung ano ang kakainin ko. Araw2 na lang ganon...Eh lalo pa kaya yung ikaw ang magprepare nung pagkain 3x a day. Abah.... ibang usapan yan. Swerte na siguro nung mga housewife na may understanding na mister na kung ano ang tanghalian yun na din hanggang gabi... like kami. Pag nagluto ang nanay ko, kung ano yung tanghalian namin yun na din hanggang gabi, tipid sa pagod at gasul. Isang lutuan na lang kung baga. Hindi din madaling maglaba ha, kahit may washing machine hindi po madali yun. Akala ng iba may washing naman kaya na nya yun...Dyan po tayo nagkakamali. Tayong mga nandito sa abroad medyo madali dali pa kase pati anlaw sa washing din. Ako kaya, kaya ako nagka prublema sa likod ko dahil sa paglalaba. Yung pagbabanlaw ko kase sa Pinas hindi from washing machine, ang gagawin ko pupunuin ko ng tubig yung mga timba nakahilera yan tapos dun ako banlaw ng banlaw. One pail after another, yan ang style ko noon, eh nung minsang pagyuko ko.. plok. Aruy koooo!!!! hindi ko na kaya naituwid yung likod ko noon... as in parang yung mga oldies hindi makabend ng maayos.. ang sakit naman talaga. Kaya hanggang ngayon yan ang prublema ko, ang likod ko. What else, abah ang pagpaplantsa..uy hindi yan madali ha. Ang init kaya nyan nakakapagod nakatayo ka ng kung ilang oras, may oras pa na ang hirap plantsahin ng isang damit, ilang beses mo ng pinadaan eh lukot pa din, meron pa yung mga ang daming fleets na damit nakuuuuu naloloka ako sa ganyang planstahin, isama mo pa yung pantalon na may piston... grrrrrrrr pikon na pikon ako dyan. Akala ng marami porke hindi nagtatrabaho si misis pahiga higa na lang ito, patanggap tanggap na lang ng sahod ni mister. O ayan, isa pa yan. Ang hirap kaya mag budget ng pera, ang sakit sa ulo ng bayad dito, bayad doon, padala dito, padala doon, minsan nga ang dami mo pang babayadan pero wala ka na palang pambayad. ( nakaka relate ako dun ) Akala kase nila porke nasa bahay lang daw si misis patulog tulog na lang daw, ayun ang akala natin. Paano kang makakatulog ng maayos kung nakikita mong isang bundok na naman ang labahin mo, paano ka matatahimik kung makikita mong ilang basket na ang plantsahin mo, paano kang makaka relax kung kakalinis mo lang ang gulo2 na naman, paano ka makakapahinga kung pudpod na yung basahan mo, ang dami na namang alikabok, paano kang makaka idlip man lang kung pahiga ka na sana eh pagbisita mo sa kusina baso lang hindi pa nahugasan. Paano kang makakatulog ng maayos kung ang sakit na ng likod mo sa kakagawa. Ano ang reaction niyo kung pagdating nyo sa bahay abutang nakahiga si misis o si mommy. Dahil kaya yun sa patulog tulog lang sya or pabanjing banjing nga lang. O baka kaya nakahiga na kase pagod na sya at kailangan lang nyang huminto saglit. Sa mga mister, nakita mo bang parang di na pantay maglakad si misis bakit hindi natin masahiin kahit saglit lang. Sa ating mga anak, kung makita nating napaupo nalang si mommy sa sofa ( maybe sa pagod ) nilambing ba natin siya? Ang housewife ang pahinga nya pag tulog na ang lahat. Na appreciate mo ba na una pa syang nagising sayo para ipaghanda ka ng makakain? Na pansin mo din ba na tulog na ang lahat, si housewife gising pa para tapusin pa ang mga tirang gawain. Ngayon...madali ba ang maging isang housewife. Para po sa akin...HINDI. HINDI MADALI ANG MAGING ISANG HOUSEWIFE. 


The Q&A portions in this blog are all done online. Meaning i send them the questions through FB or their email addresses, in return they reply through online din. So, i just want to include this message i got from my housewife #2 ...

( copy paste, as in this is the exact message )
Michelle: Ate Terry... kung naiyak ako at na touch kay ate anabel, natuwa din ako sau and na touch. I like your last sentence.. maging masaya tayo na pinagsisislbihan ang ating mga mahal sa buhay we should face the reality that this is what GOD calls us to do. yung iba po kase burden para sa kanila yung pagsilbihan ang pamilya nila... yung tipo po na ipag plantsa mo lng ng 2 pantalon, prang pasan mo na ang daigdig hehehehehe lets face it totoo yun. madaming ganon. pero thank God po sa pag payag nyo na ma include sa blog ko.madami pong pdng matutunan sa mga pinahayag nyo ni ate anabelle. God bless you all.
SIS. Theresa Alvarado : Sa totoo lang sis diko alam umpisahan, kung ano ang sasabihin ko sa iyo inisip ko nlang nasa harapan kita nagkukuwentuhan tayong dalawa. sa mga iba its really a burden to them kasi iba ang kanilang pananaw, feeling nila kasi katulong ang dating nila. Noon ganyan ang pananaw ko talagang di ko matanggap na nasa bahay lang ako dahil nasanay nga akong nagtatrabaho. Na-meet ko kasi si Freddie sa first job ko sa Laguna i'm the secretary of the company, then lumipat ako sa Saint Paul College of Manila, then China Banking Corp. sa Makati bago ako napunta ng Taiwan. I want to strive that time kasi gusto kong pag-aralin ang kapatid kong bunso, kaya nagtampo talaga ako sa Panginoon nung nagpunta ako dito at di man lang Nya ako pinagbigyan sa hiling kong makapagtrabaho. Pero may taong pinadala ang Panginoon to give me advice.... at unti-unti kong naintindihan ang mga pangyayari. Nabago ang pananaw ko at unti-unti kong natanggap ang pagkatawag sa akin ng Panginoon to serve my family at ito pala yong pinaka the best na ibigay sa ating pamilya... tayo yong nakakagawa ng kanilang mga pangangailangan. Salamat din sa Panginoon kasi kahit hindi ako nakapagtrabaho He PROVIDES ALL OUR NEEDS, hindi kami nangkulang sa aming mga financial kahit di kalakihan ang sahod ni Freddie di kami nakautang. Ganun talaga kumilos ang Panginoon sa aming buhay. Kaya kelangan lang talaga nating magtiwala sa Kanya ng lubusan.

Bakit ko po ba ito gustong isama dito? Iisa lang naman ang sagot ko dyan lagi, dito pa lang madami ka ng matutunan sa mga sinabi ng housewife #2 natin. Hindi nya ikinaila na minsang nagtampo na din sya sa ating Panginoon pero tunay nga po na may mga gagamiting mga tao, mga kapatid sa Panginoon, na mag bibigay sa atin ng mga words of encouragement, ng mga godly advices...Alam ng Panginoon ang ating mga pangangailangan. Hindi Niya kailanman tayo pababayaan. And true... GOD WILL PROVIDE ALL OUR NEEDS. Sa totoo lang naiiyak ako habang ginagawa ko ito, kase totoo yun naman ang hangarin nating lahat ng nasa abroad ang makatulong sa pamilya natin. Ako, hindi ko tinatago na, hirap kami ngayon. As in naiisip ko nga bakit kung kailan nasa abroad ako, nararanasan ko ang mga ganitong pagsubok. Yung WW, ( word of the day natin yan. nalaman ko yan kay Kuya Chubby Santos, isang kapatiran din sa FLCC ) ano ba yung WW... Walang Wala ayun yun. hahahaha Totoo po, yan ang katayuan namin ngayon, pero yan ang kaibahan ng may Diyos ka sa puso mo, hindi ka masyadong nangangamba, kase alam mong ang daming pangako ng Panginoon. Hindi ka nawawalan ng pagasa kase alam mo He is a God of Hope. Hindi ka matatakot kase you know that He will make a way. Pero bilang isang ina, hindi ko maiaalis yung umiyak, at malungkot kase hindi ko maibigay yung ginhawa na pinangarap ko para sa kanila nung magdesisyon akong umalis. Pero alam ko, malalampasan din namin ito. And excited na ako sa araw na yun na masasabi ko na i made it through the rain.... ayun oh kanta yun db?!

may i now present to you....
Housewife #2 - Theresa de Vera Alvarado

Theresa De Vera Alvarado or Terry for short is a mother of 2 namely Ayra & Dj, and she is a certified housewife! She is married to Freddie Alvarado, an architect and is a native of Baguio City. They are an active member of Alpha & Omega Church.

the alvarado family
       
1. Simula ba ng magasawa ka ay housewife ka na? O dati kang nagtatrabaho then decided to stay na lang sa bahay?
ANSWER:The time I accepted the proposal of Freddie to get married,  year 2000 ay kauuwi ko lang galing Taiwan and Freddie is only 8 months here in Kuwait. I want to go to Taiwan again but i have to change my name and Freddie didn't allow me. Kaya we decided to get married para madala nya ako dito agad sa Kuwait to live with him and at the same time to work here, unfortunately i wasn't able to go here dahil nabuntis ako kaagad. So i stayed in Pangasinan for 3 1/5 years. Dinala nya kami dito last September 2004 visit visa pa kami noon ni Ayra Jane. Pagdating namin dito sa Kuwait naghanap na ako kaagad ng trabaho before pa ma-expire ang visa ko pero hindi ako natanggap hanggang nag-expire na ang visit visa namin ni Ayra Jane kaya nag-apply na si Freddie ng dependent visa para di na kami umuwi. Kahit dependent visa na ang visa ko hindi pa rin ako humintong mag-apply ng trabaho pero wala pa ring tumanggap sa akin.

2. Is your being a housewife your own choice or you are just being submissive to what your husband wants?
ANSWER:Si Freddie okay lang naman sa kanya na magtrabaho ako o sa bahay lang. Pero nung nabuntis ako kay DJ nakiusap sya sa akin na huwag na muna akong maghanap ng trabaho mag-alaga na lang ako ng aming mga anak. Sa totoo lang ayaw kung maging plain housewife HATE ko talaga sa bahay, pero dahil na rin sa walang tumatanggap sa akin at mahirap maghanap ng mag-aalaga sa mga bata nag-stay ako sa bahay. Dahil dito nagtanong ako sa Panginoon kung naririnig ba Nya ang mga prayers ko kasi walang katugunan. Napagtanto ko ngayon na ang plano ng Panginoon ay mas maganda kaysa sa iniisip ko noon.

3. What is your daily routine?
ANSWER:Daily routine ko early in the morning 5:30am prepare ako ng breakfast for Freddie & DJ, luto na rin ako ng baon ni Freddie, at paliliguan ko si DJ. Pag-alis nila ng 6:45am magsasalang ako ng labahan while waiting balik ako sa higaan bangon ako ng 10:00am breakfast kami ni Ayra tapos luto ako for lunch, pagdating si DJ ng 12:30pm pakakainin ko sya, mag-aaral kami tapos patutulugin ko sya. Sa hapon mamamalantsa ako. Prepare for merienda at magluluto uli ng dinner dahil darating si Freddie ng 6:00pm. Sometimes sa gabi we do the groceries.

4. Are you cooking? If yes, anong luto mo ang alam mong mapapasarap ang kain ni mister at ng mga bata?
ANSWER: Yes, I love to cook. Pinakbet ilocano ang gustong-gusto nila lalo na pag ang sahog ay karne ng baboy. Mahilig kasi ang asawa ko at mga anak ko sa gulay.
very violet...

 5. Pwede mo ba ishare ang recipe na yan?
ANSWER:
Simpleng recipe lang, lutong probinsya. Kung pano ang luto ng iba ganon din yung sa akin.

6. Para sa iyo ano ang pinakamahirap na gawaing bahay?
ANSWER: Para sa akin ang pinakamahirap na gawaing bahay ay ang pagpaplantsa. Masakit sa likod at paa kasi nakatayo ako pag namamalantsa di ako sanay na nakaupo.

7. Dumating na ba sa isip mo na gusto mo naman magtrabaho? If yes, bakit you still chose to stay at home?
ANSWER:Hindi nawala sa isip ko ang maghanap ng trabaho talaga ever since Diether John is still small, gaya ng sinabi ko gustong-gusto kong magtrabaho dahil hindi lang pamilya ko ang gusto kong bigyan ng magandang buhay gusto ko ring magbigay sa aking magulang at mga kapatid na nangangailangan ng financial support, nakakahiya kasi sa asawa ko kung lahat iaasa ko sa kanya pati pangangailangan ng mga kapatid at magulang ko. Kahit na hindi nagsasalita ang asawa ko dumarating yong time na nahihiya akong mag-open sa kanya. Ngunit di ko alam kung bakit di agad tinugon ni Lord ang aking panalangin.That time alam ko may gustong baguhin si Lord sa buhay ko hanggang naipasa ko ang pagsusulit na iyon in His right time He gave me a job sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Isa ako sa itinalaga Nyang mag-supervise ng mga bata sa homeschool at na-e-enjoy ko rin dahil nadadagdagan ang aking kaalaman at ang maganda dun kasama ko ang aking anak na si Ayra at sa susunod na taon maybe DJ will join us also. Sa ngaun masasabi ko na iba talagang magpala ang Panginoon. Ngayon ko napagtanto yong sa Jeremiah 29:11 God says "I KNOW WHAT I AM PLANNING FOR YOU...."I HAVE A GOOD PLANS FOR YOU, NOT PLANS TO HURT YOU. I WILL GIVE YOU HOPE AND A GOOD FUTURE"... We may feel we are facing impossible situation but the Bible says in Ephesians 3:20 "GOD .... IS ABLE TO DO MORE THAT WE WOULD EVER DARE TO ASK OR EVEN DREAM OF..... INFINITELY BEYOND OUR HIGHEST PRAYERS, DESIRES, THOUGHTS, OR HOPES. I REALLY THANK GOD...

8. Akala ng iba, pabanjing banjing lang daw ang mga housewife. Agree ka ba dun? at bakit? 
ANSWER:Housewife is a very tough task, pag nasa bahay ka kasi di maubos-ubos ang trabaho, kaya kelangan ikaw ang tumigil, ang masasabi ko lang depende sa gumagawa nito, how you value your work as a housewife.

9. Pagkatapos ng mga gawaing buhay mo, ano ang unang una mong ginagawa?
ANSWER: Pagkatapos kung gawin ang mga gawaing bahay, humihiga ako at nakikinig ng praise songs, sometimes nag-o-open ng facebook, minsan naman nanunuod ng tv, o di kaya naglilinis ng mga nails o minsan naman ginagawa ko yong cross stitch ko, ito ang mga gustong-gusto kong gawin pag tapos na ang gawaing bahay.

10. Bilang isang plain housewife meron ka bang gustong ishare sa iba, advice, tips, memories, experiences etc...
ANSWER:Ang mapapayo ko lang sa mga kababaihan na plain housewife na katulad ko, we must be proud of it dahil ito talaga ang pagkatawag sa atin ng ating Panginoon. Maging masaya tayo na pinagsisilbihan ang ating mga mahal sa buhay we should face the reality that this is what GOD calls us to do.


with my loving husband
To Sis.Terry Alvarado, salamat po sa pagpapaunlak mo sa Q&A portion ko na ito... nakakatuwang balik balikang basahin ang mga sagot nyo sa bawat tanong ko. Although hindi ako isang housewife pero nakikita ko ang sarili ko sa inyo. Sa paanong paraan naman..? Well, like sa inyo ni Sis. Anabelle pareho-pareho tayong hirap sa pagpaplantsa..magkaka classmates tayo dyan. As in hard na hard yan for me kase tama ka Sis. Terry masakit yan sa likod at sa paa. Eh lalo na sa akin kase may diprensya ako sa likod ko. Pero, alam nyo ba yung feeling na kahit mahirap at ayaw na ayaw mo yung bagay na yun pero pag ginagawa mo yun para sa mahal mo sa buhay pagkatapos mong matapos ang tambak na plantsahin parang ang ginhawa pa sa pakiramdam.Ano pa ba? Hmmm natawa ako actually sa sagot mo Sis. Terry na ayaw mong maging plain housewife hate mo sa bahay... hahahaha ako din bata pa lang ako nagtatrabaho na ako kaya bata pa lang ako nabuo na sa isip ko na, ayokong mag stay lang sa bahay, kailangan kong magtrabaho, kumayod. 
Well, sya po ang ating housewife #2 kung sino pa po ang sususunod na malalathala...abangan na lamang po. 






No comments:

Post a Comment