Thursday, April 28, 2016

Ang Babaeng Makakalimutin (The Forgetful Woman)


The very big difference of a WOMAN to a MAN...
We are different on how we fall in love and why we marry, sexual needs, experiences, fulfillment and frustrations, how we listen (differently), what we hear (differently) and how we communicate (differently),  approaches to parenthood, different experiences of stress and depression, and how we age differently. Unlike us, men have no hormonal fluctuations and I guess that's one good reason.

Ang babae maalala nyan ang mga binitawan mong salita sa kanya, na hindi masarap ang luto mo, na hindi bagay sayo yung suot mo, yung gaano mo sya katagal pinagantay sa tawag mo, yung mas pinili mo ang mga barkada mo kesa makasama siya, yung hindi mo lang sya pinansin. She won’t forget! Ang babae hindi nya makakalimutan kung naging mabuti ka sa kanya or kahit na nga hindi. Kahit na nagkahiwalay kayo ng hindi maayos, yung mga pinagsamahan nyo na magaganda ay hindi pa din nya malilimutan. Hindi niya makakalimutan yung unang araw na nag date kayo, yung first kiss nyo, yung inalalayan mo sya sa pagtawid, sa pagakyat ng hagdan, yung mga fun memories. Hindi nya makakalimutan yung pinupunasan mo sya ng luha, yung ginulat mo sya sa pagbibigay ng isang regalo. Minsan naman kahit nasasaktan na sya dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanya she still stays dahil minahal niya ang lalaking ito... minahal niya ang lalaking nag pretend na gentleman nung una at ng kalunan ay nagpakita na ng tunay na kulay.

         "There is no greater disappointment than someone who has let you down."

Bakit nga ba sa pagkatagal tagal na panahon ng di pagsusulat ay ito pa ang naisipan kong tema.... Minsan kase ay narinig ko na hindi nga daw makakalimutin ang mga babae. At nag react naman ako and opkors nag todo react din naman ang hubby ko. Dahil si Michelle ay babae at si Michelle ay makakalimutin. Naisip ko nga ito.. ilang gabi na. Bakit nga hindi ko naman nakakalimutan ang mga pangyayari sa buhay ko pero madalas akong makalimot ng mga bitbitin... ng mga gamit... minsan nga kahit na pangalan... hindi ko naman sinasadya na makalimutan ang bag, gusto ko bang kalimutan yun? Opkors hindi. Hindi ko naman sinasadya na makalimutan ko ang cellphone, gusto ko bang maiwan ang cellphone? Opkors hindi. HIndi ko naman sinasadyang, makalimutan yung pera, gusto ko bang kalimutan yung pera? Opkors hindi. Hindi ko naman sinadya na makalimutan yung iniwan sa baggage counter, gusto ko bang maiwanan yun? opkors hindi. Pero ilang beses na kase.... Ilang beses pa lang  naman,  hindi pa naman nangyayari yun ARAW ARAW. Pero ang point dun, MORE THAN ONCE NG NANGYARI kaya ang dating ay lagi lagi. Napaisip tuloy ako...ano ba ito. Should I take this seriously? Sign of Dimentia na ba ito? Alzheimer’s Disease? Mild Cognitive Impairment? Or sign of old age lang... oi pero mag 39 pa lang ako huh. Whatever it is... talaga namang napaisip ako at napaluha. Naisip ko paano kung IKAW na ang makalimutan ko.


Anak, Reign, kung dumating man ang araw na iyon, sana ipaalala mo sa akin na ikaw ang first born ko. Kung paanong hiniling ko sa Panginoon na magkaron ng isang lalaking panganay na anak. Basti, kung sakaling dumating man ang araw na iyon, sana ipaalala mo sa akin na ikaw si bunso, na ikaw yung sinasabi ng marami na si Mitch na lalaki. Naomi, alam ko this time, you will not understand this, but I hope IF EVER it happens, please let me remember that you are my bunsai, that you are my only daughter and you are my mini-me. Resty, if ever it happens, sana ipaalala mo sa akin na ikaw ang sinumpaan kong mamahalin habang buhay.  Sana huwag nyo akong dadalhin sa tahanan ng matatanda. Gusto ko magkasama tayo pa kahit hindi na ako makalakad. Kahit sisigawan nyo na lang ako okey lang basta magkakasama tayo. Kahit sa isang kwartong maliit nyo na lang ako ilagay... okey lang basta magkasama tayo. Kung mangyari man yun, sana kayo din maalala nyo kung paano kong pinagarap na matawag tayong isang malaking pamilya. Pero dumating man ang mga yan, confident pa din ako kase alam kong sinabi ng Panginoon sa Hebrews 13:5 " I will never leave you, I will never forsake you." Kaya ngayon pa lang salamat Panginoon sa iyong pangako.
 
I know that God will never leave me nor forsake me.