Sunday, June 5, 2016

Rene Cacatian - Ang Bida Dad ng Kuwait


Ang bida ko ngayon ay isang OFW Dad. Sa totoo lang sobrang overdue na ang pag feature sa daddy na ito. Hindi naman dahil sa tinatamad akong gawin ito pero maaring hinintay ko talaga ang ilang taon para mapatunayan mismo sa aking mga mata na KAYA NYANG TUPARIN ang pangakong “BUBUHAYIN KO KAYO.” Paano ko ba ipapakilala ang daddy natin..ummm..tahimik pero marunong naman pla magbiro....mahiyain….isang lingkod ng Panginoonand, mahilig at matiyaga sa bata at  higit sa lahat siya ay inaanak namin sa Kasal. Siya ay walang iba kundi si Rene L. Cacatian.

Kilalanin pa nating maigi si Rene. Tubong Pangasinan, pang 5 sa 6 na magkakapatid. Taong 2004 noong marating niya ang Kuwait, para magtrabaho sa Toyota. Siya ay ipinasok dito sa trabaho ng kanyang pinsan, at siya din ang naging dahilan at napabilang si Rene sa isang religious organization, ang Filipino Language Christian Congregation. Dito ay nakilala at tinanggap ni Rene si Hesu Kristo bilang kanyang Panginoon at Tagalpagligtas niya. Hinipo ang kanyang puso para mag commit sa BST isang Ministry sa church kung saan  sila ang
BST Ministry
Hila2 ni Rene ang mga Musical Intruments

nagdadala at nagaayos ng mga gamit sa  church services, sila din ang nakatoka sa sounds & lights. Dito ay naging malapit siya sa isang kapatiran na nag ngangalang Rhea Mae. Ang pagiging malapit nila ay nauwi sa pagiging magkasingtahan at matapos nga ang 3 taon at 10 buwan sila ay nagpasyang magpakasal.


















Noong January 26, 2011 sila ay nanumpa sa ating consul sa Embahada ng Kuwait at binasbasan sa simabahan makalipas lamang ng 4 na araw. Sila ay binasbasan ni Bishop Zosimo Nones ng FLCC. Ang kasalang ito ay ginanap sa Crown Plaza Plaza Hotel at dinaluhan ng mahigit kumulang na 100 katao. 
isang kamanggagawa sa simbahan ang tumahi ng trahe de boda ni Rhea
Makalipas ang 1 taon at 7 buwan ay dumating sa kanilang buhay si Remae Reign. Kinuha ang panglan ng batang ito sa pinagsamang pangalan ni REne at Rhea MAE - REMAE.
Remae Reign

Dito na nagsimula ang paghanga ko kay Rene, nung dumating sa buhay nila si Renren (palayaw ng kanilang anak). Ang pagkakaron ng anak ay hindi naging hadlang upang hindi niya ipagpatuloy ang kanyang ministry. Winter man or summer, kahit magisa lang siya dahil may pasok si Rhea ay darating siya bitbit si Renren at para gampanan ang kanyang Ministry sa church. Naalala ko tuloy ang narinig ko sa isang Pastor na wag nating gagamitin ang ating mga anak na dahilan para itigil na natin nag pagsisislbi natin sa Panginoon. Maaring mabawasan ang mga commitments pero hindi pwede na ang b ata ang GAWING DAHILAN para ITIGIL na ang ibang mga gawain. Sa kanya ko nakita ito...  Tulad ko ay wala din kaming sariling kasama sa bahay na pwede naming iwan ang mga anak namin kung meron kaming lakad or trabaho. Pareho lang kami na dinadala lang ang mga anak sa tagapag alaga pag may pasok. Kung walang pasok iisa lang ibig sabihin noon, kami naman ang magaalaga sa mga anak namin. Kung kaya naman ay makikita mong darating ang mag ama sa church na naka ayos at may ipit pa ang buhok ng bata.


ito ay kuha sa Christmas Party ng Shekinah na ginanap sa Pizza Hut
Just arrived sa church (Carlton)
 

Hands on dad talaga si Rene! Wala pa man si Renren ay makikita na ang pagiging matiyaga niya sa mga bata. Kaya naman ay naasahan ko din yan na tignan tignan si Naomi noong baby pa ito. Maging sa pamamasyal nga ay maasahan mo si Rene, abah kahit magisa ipapasyal niya talaga ng naka commute si Renren. Maaring sabihin ng iba, eh ano naman kung nag cocommute lang sila. Well, tama nga naman, ano naman
ang special kung commuter ka lang. Hindi naman ng lahat ng expat dito ay may mga sasakyan. Well, ayan ay kanya kanyang tingin at opinion. Para sa akin bilib ako sa kanya, dahil nagagawa niyang dalhin ng magisa ang anak niya papunta sa church at sa mga lakarin. Hindi naman lahat ng daddy gagawin yung magbitbit ng mga baby bag at magdala ng anak ng sila lang. Yung iba would rather not go...magdadahilan na lang na lang na summer maiinit mahirap ilabas ang bata. At pagwinter naman ang dahilan, winter malamig mahirap ilabas ang bata. Pero itong si Rene kahit na summer or winter at kahit pa na magisa lang siya okay lang sa kanya na isama niya si Renren para magsimba. Para magampanan din niya ang tungkulin niya bilang anak ng Panginoon at yung tungkulin niya sa kanyang ministry.
taken at the ZOO. notice Renren's hair, done by Daddy Rene
 kaya naman gulo2 pa din
 
Ngayon naman ay balikan natin yung unang talata sa istorya natin.... BUBUHAYIN KO KAYO. Eh di WOW! isa sa pinakamahirap na desisyon ng isang OFW ay yung sasabihin na niyang uuwi na ako for good. Kaya nga ako, sobra sobra ang paghanga ko sa mga OFW na nagpasya ng umuwi. Dahil, talaga namang mahirap na desisyon yan. Kailangang, handang handa ka na talaga! At ito ang naging desisyon nila Rene at Rhea ng muli syang magdalang tao sa pangalawa niyang anak. Inisip kase nila kung sino ang magaalaga. At dalawa na anak nila na ipapalaga sa iba at of course 2 na ang batang babayaran nila sa tagapag alaga. Napagdesisyunan nila na uuwi na lamang si Rhea at Renren at dun na siya manganganak  sa Pilipinas. Of course marami ang nag bigay advice na huwag umuwi si Rhea. Marami ang pumigil... pero ang dedisyon pa din nilang magasawa ang nanaig. Nakita ko dito ang pagiging isang responsible dad ni Rene. Good provider to the family. Mas makakaipon daw sila pag umuwi na lang si Rhea. Unang una, liliit ang haus rental fee ni Rene plus may oras na sya para kumuha ng overtime sa work. Bakit ba, dati naman tayong nasa Pilipinas noon, so porke ba nakapag abroad na tayo hindi na tayo mabubuhay sa Pinas. Kung iisipin mo din, bakit yung mga nagsasabi ba na wag ka ng umuwi eh tutulong ba monthly sa mga bayarin, at aalagaan ba nila ang 2 bata araw araw kung you will take their advice not to leave Kuwait? Tamahhhh!!!! Hindi naman diba? hehehehe pero salamat pa din sa mga adviser and masaya namang pakinggan ung mga advices from concerned friends. Tiwala lang naman yan dapat sa Diyos at opkors tiwala lang din sa asawa.
Tignan natin ngayon kung kumusta na nga ba ang buhay ng magiina ni Rene sa Pinas. Well provided nga ba talaga? Or kung maibabalik ko lang hindi na sana ako umalis ng Kuwait kaya ang peg ni Rhea. 
 
Ilang katanungan ang ating inihanda para kay Rhea....


1.    Rhea hindi ba’t ikaw ay isa ding OFW? Meaning, nagpunta dito para magtrabaho at makatulong sa pamilya. Nagawa mo ba yun Rhea? Nakatulong ka ba sa pamilya mo bago ka nagpasyang lumagay sa tahimik?

Opo, I am once an OFW. And my family is the main reason why I decided to go  abroad. Kahit papano ay nakatulong naman ako sa aking pamilya. Nakapagpundar ako ng isang tricycle na nagagamit para sa pangkabuhayan at nabayadan din namin ang mga utang namin. 

2.    Noon bang ikaw ay nagasawa na, pinapatuloy mo pa din ba ang pagtulong sa pamilya mo sa Pinas? OO o hindi? Bakit?

Opo naman, hindi naman porke ikaw ay nag-asawa na stop na din ang pagtulong. Syempre tuloy2 pa din, yun nga lang medyo nabawasan ng kaunti. hehehehe

3.    (Sagutan kung oo ang sagot sa number 2.) Dahil uuwi ka na paano na ngayon ang pagtulong mo sa pamilya mo sa Pinas?

Noong napagdesisyunan ko na lamang na umuwi, confident ako na hindi naman kami gaanong mahihirapan dahil alam ko nga na may tricycle naman ang tatay ko at malaking tulong yun sa amin para sa araw2 na pang gastusin. Yun nga lang ay sa di inaasahang pangyayari ay naistroke po ang tatay ko kaya yung padala lang ng aking mister na si Rene ay siyang pinagkakasya namin.


4.    Nung kayo ay nag pasyang umuwi ito ba ay dahil sinabi lang ni Rene or desisyon nyong dalawa? Hindi ka ba napilitan lang?


Dalawa kami ni Rene na nag desisyon nun na umuwi na lang kami ni Reign dito sa Pinas. Lalo na at magdadalawa na ang anak namin, dapat kasama nila ako. At di ko din kaya na iwanan ang mga bata sa Pinas sa ganoong edad nila. Maliit pa sila at kailangan nila ang kalinga ng isang magulang.

5.    Ilang taon ka ng nasa pinas? Hindi ka naman ba hirap sa gastusin? Nagkakasya ba ang pinapadala sayo ni Rene?

Almost 2 years na din kami dito sa Pinas ng mga bagets. Kahit papano naman ay napapagkasya yung budget. Hindi nman ako makapag demand sa asawa ko kase naging OFW din naman ako kaya alam ko na di din madaling kumita ng pera.

6.    Meron ka bang ibang source of income diyan sa Pinas para naman makatulong kahit kaunti sa financial na pangangailangan nyo?

Sad to say ay wala. Gusto kase ni Rene na matutukan ko sa pag aalaga ang mga bata lalo na si Rainier na nasa kalikutan stage pa.

7.    Paano mong pinapaliwanag sa mga bata kung bakit hindi nyo kasama si daddy?

Sa ngayon hindi pa naman sila nagtatanong tungkol dyan. Happy na sila pag nagkakausap sila ng papa nila sa internet o kahit nga picture lang ng papa nila ang ipakita ko masaya na sila. Pero minsan sinasabi ko rin kay Reign na si papa nila nasa Kuwait para mag work at para may pambili ng milk nila at toys.

 8.    Paano ang means of communication niyo ni Rene?

Thank God, nauso na ang social media ngayon like facebook, Skype etc... Kaya madali lang makipag communicate kay dear husband. Kase kung hindi pa ganitong ka advance ang communication, malamang hindi ako uuwi dito sa Pinas.

9.    Personal na tanong… Hindi ka ba natakot na iwan si Rene dito noon? Naisip mo ba na baka magloko dahil nga wala ka na dito sa Kuwait?

Honestly natakot din ako kasi first time namin magkakalayo but through prayer and trusting God na conquer ito at napalitan ng trust at alam ko na di sya gagawa ng isang bagay na ikapapahamak nya dahil may takot sya sa Diyos. Tsaka pinanghahawakan ko talaga lagi yong wedding vow nya sa akin na AKO lang ang gusto nya maging INA ng mga anak nya. Oh dba bonggacious un!

10. Personal na tanong… Wala bang nagbago sa kanya simula ng umuwi ka na?
He is still the same, Rene Lomibao Cacatian na pinakasalan ko.Hindi naman siya nagbago. Walang nagbago.

11. Personal na tanong… Paano kung meron kang extra na pangangailangan diyan sa Pinas… hindi ka ba nahihirapan na lumapit kay Rene?

Hindi naman, basta ipaliwanag mo lang sa kanya he will understand.


12. Mahirap ba ang magkaroon ng isang OFW Hubby?

Opo mahirap din lalo na sa pag aalaga ng mga bata nasanay kasi ako na kasama ko sya lagi. Katuwang sa pag aalaga kay Reign. Kaya matagal din bago ko natanggap yung sitwasyon namin. Trust lang lagi kay God at sa isat isa.

13. Paano mong naiingatan ang tiwala niyo sa isat isa?   

Being honest, lahat ng nangyayari sa buhay namin sinasabi namin sa isa't-isa. Sinisiguro namin na lagi kaming may communication. At lagi namin pinagpepray ang isa't-isa.

14. Paano mong naiingatan ang mga pinaghirapan ni Rene sa abroad?

Kailangan tipidin at gastusin sa tama hindi sa luho.

15. Di naman yan lingid sa iyong kaalaman.. dati ka din namang ofw. Isa sa dahilan ng pagiging successful ng isang OFW ay kung marunong maghawak ang nasa Pinas. Ikaw masasabi mo bang responsible beneficiary ka or tulad ka din ng iba na one day millionaire?

Honestly, sa aming dalawa, si Rene ang magaling humawak ng pera. Pero di naman ako yung one day millionaire na parang wala ng bukas kung gumastos. Nakakaabot pa naman hanggang katapusan.

16. Ano ang maipapayo mo sa mga kapamilya ng OFW na puro hingi lang. Yung mga sumasama pa ang loob pag di nabibigyan.

Ang masasabi ko lang makuntento at ipagpasalamat ang binibigay sa atin. Kasi pagod, lakas at pagiging home sick ang naging puhunan nila para mabigyan tayo ng magandang buhay. Wag puro reklamo at sama ng loob ang ibigay kundi ipanalangin lagi ang kaligtasan at katatagan ng loob sa ganong paraan makakatulong din tayo sa kanila hindi puro na lang sila ang nagbibigay.

17. Ano ang mga maipapayo mo sa mga katulad mo na asawa ng isang OFW?

Maging prayerful and faithful wife sa ating mga asawa.
    18. Ano ang masasabi mo kay Rene bilang isang anak, asawa at ama ng mga anak mo?

     Bilang isang anak- mabait at matulungin sa magulang. 
     Bilang asawa naman- masasabi ko na he is a faithful husband.
     Bilang isang ama- isa syang ulirang ama di mo pwede e question un sa kanya. Di naman lingid yan sa mga nakasama namin sa Kuwait kung paano syang maging ama kay Reign noon. At kahit magkalayo silang mag-aama di pa rin sya nagfafail na maging ama kay Reign at Rainier kaya mahal na mahal sya ng mga bata.


    19. Meron ka bang special message para sa kanya? 

     Thank you  Rene sa lahat ng sakripisyo mo at pagmamahal mo sa amin ng mga bata . Always remember na love ka namin. Happy Father's Day. Mwaahh mwaahh

  



my say...
ang pinaka nagustuhan ko sa mga sinagot ng maybahay ng ating Bida Dad ay yung point
number 16....

    makuntento at ipagpasalamat ang binibigay sa atin. Kasi pagod, lakas at pagiging home sick ang naging puhunan nila para mabigyan tayo ng magandang buhay. Wag puro reklamo at sama ng loob ang ibigay kundi ipanalangin lagi ang kaligtasan at katatagan ng loob sa ganong paraan makakatulong din tayo sa kanila hindi puro na lang sila ang nagbibigay.


Bawat OFW magandang buhay para sa pamilya ang hanggad. Mangyayari lang ito
unang una sa tulong ng Panginoon at pangalawa sa suporta mula sa pamilya saPilipinas.
Hindi porke na nasa ibang bansa sila, sila lang ang magbibigay ng suporta, kailangan
din nila ng suporta mula sa mga mahal sa buhay. Matutong makuntento at live within
your means. Sabi  nga pagaaral,  sasa likod ng bawat successful OFW ay ang mga nasa
Pinas na marunong magpahalaga sa pinaghihirapan ng tatay, nanay, asawa, ama, ina or
anak. Kung marunong sila sa Pilipinas maganda ang kahihinatnan. Maraming OFW ang
ilang taon ng naninirahan sa ibang bansa pero wala pa ding naipupundar. Puro padala,
hingi, padala, hingi, padala, hingi, padala,hingi, padala at masaklap pa dun madelay
lang ng padala marami ka ng maririnig. Pag may humingi ng tulong at di mapagbigyan
lumaki na daw ang ulo nakapag abroad lang. Yung iba naman umasa na lang talaga sa
kamaganak sa ibang bansa. Di na nagsumikap kase yung asawa naman ng kapatid niya
ay nasa abroad naman kaya maambunan naman daw sila. Yung iba nagtatrabaho
naman pero gusto pa din makatanggap ng padala. Yung iba naman may mga sarili ng
asawa naka asa pa din. Kaya naman si OFW tumanda na sa abroad di makaisip na
umuwi kase pinapaaral pa daw yung bagong apo or bagong pamagkin. Nakailang apo at
pamangkin na si OFW kaya di matapos ang pinapaaral. Yun bang sana siya naman na
ang inaasikaso ng mga anak niya or ng kapamilya niya pero di mangyari kase di nga
makauwi kase nga iniisip pa yung mga naka sandal pa sa kanya. MAsarap at hindi
naman masama ang tumulong.. pero ito ay nasa lugar dapat. Minsan nakita ko sa isang
post sa FB...
 
   "kung magulang ka na at umaasa ka pa din sa magulang mo eh MAGULANG ka na"
 
Isang malaking TAMA! Hindi po ba? Kaya nga ako sobra ang paghanga ko sa mga OFW na
kakilala ko na umuuwi na for good. Dahil, hindi naman po talaga madaling desisyon
yang paguwi. Yung iba nga gusto ng umuwi pero yung mga nasa Pinas pa ang
nagtutulak na wag munang umuwi. Kesyo, nagaaral pa si ano, nagbabayad pa tayo ng
ano, kailangan pa natin ng ganito etc etc etc... hindi na lang ba sabihin na...

      "WAG KA NG UMUWI KASE UMAASA KAMI SAYO SINO NA LANG ANG MAGPAPADALA SA AMIN KUNG UUWI KA NA?"
 
Kaya nga sobrang naging proud ako ng malaman ko ang desisyon ni Daddy Rene at
Rhea. Kung iba iba yan, mag iisip, sayang naman ang sahod ni misis kung uuwi na siya.
Kesyo ako lang ang magtatrabaho di kakasya ang budget. Pero itong Daddy natin na
ito...nanindigan sa kanyang responsibilidad. Di niya inisip na yung mga bata na lang
ang umuwi at pabalikin si Rhea dito sa Kuwait para makatuwang naman niya sa
pagtatrabaho. Ang inisip nila mas makakaipon sila kung uuwi si Rhea at mas
maalagaan  niya ang kanilang mga anak. Hindi yung ipapaalaga lang ang mga
anak sa kamaganak or sa baby sitter. Inisip nila na kailangan ng mga bata ng magulang
na siyang titingin at magaalaga sa kanila. And Rene has been a good provider, an
honest  husband, a  loving father naman talaga. Maliban dito ay naka suporta naman si
Rhea kay  Rene, dahil dati din  siyang isang OFW nauunawan at naiintindihan niya ang
sitwasyon ng  kaniyang asawa. Idadagdag pa natin na ang nagpapatibay kay Rene ay
ang panalagin ng kanyang asawa. Pray for your husband. Yan ang kailangang kailangan
nila mula sa mga mahal  sa buhay nila sa Pilipinas. At alam niyo ba kung ano ang
sikreto para sa isang matibay  na  relasyon at successful na LDR (long   distance
relationship) .... walang iba kundi ANG ATING PANGINOONG HESUS.

 
Para kay Rene Cacatian ang Bida Dad natin... HAPPY FATHERS DAY!


 
Cacatian Family Picture