Wednesday, November 23, 2016

I DID MY BEST


Minsan ay mayroon akong nakausap na tulad ko ay isang OFW. Nasabi niya na hindi daw nya nabigyan ng magandang buhay ang kaniyang  pamilya. Bigla akong napaisip. Etong si kabayan ay mahigit 24 years ng nasa bansa ng Kuwait at sasabihin niyang hindi daw niya nabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Paanong nangyari ito? Kaya naman isang tanong sa Facebook ang aking pinost para mapalawak ko ang topic na gusto kong buksan.
posted on my facebook account on August 10, 2016 na naka tag sa 23 OFW.
PARA SA MGA KATULAD KO NA OFW....
TANONG:
Kabayan bilang isang OFW masasabi mo ba na HINDI MO NABIGYAN NG MAGANDANG BUHAY ANG PAMILYA mo sa kabila ng pagpapagal mo sa abroad ng MAHIGIT 10 taon?
Iba ibang pahayag mula sa iba ibang kababayan natin..at makikita naman natin na may mga hugot lahat dahil ang hahaba naman talaga ng mga comments na kanilang iniwan.
Nung marinig ko ito kay kabayan ito ang naging dialogue namin...
Michelle :  Bakit mo naman nasabi na hindi mo nabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo? Eh 24 years kang nasa abroad at sinasabi mong hindi mo sila nabigyan ng magandang buhay?
Kabayan: Hindi kase nakatapos ang mga anak ko.
Michelle: Huwag mong sisihin ang sarili mo kung hindi sila nakatapos ng pag aaral. Alalahanin mong tayong mga OFW malaki ang bahagi ng mga nasa Pinas para masabing successful ka. Nasa mga tumatanggap ng allotment sa Pinas ang isa sa sikreto ng isang successful OFW.
Ito po ay sariling opinyon ko lang nasa inyo na po iyon kung ano ang sa inyo pero ibabahagi ko rin po dito ang mga natanggap ko na comment sa Facebook posting ko patungkol dito.
Unang una ang isang OFW nung  magpasyang umalis ang pinakadahilan niya ay ANG MABIGYAN NG MAGANDANG BUHAY ANG KANIYANG PAMILYA.  Bihira lang siguro sa mga OFW na ang dahilan nila ay may tinakasan lang na tao sa Pinas. Pero kadalasan diyan, umalis para sa pamilya nila. Tama po ba ako or mali? Noong ako ay nasa Pinas pa lang ako ay sumasahod lamang ng 12000 pesos katumbas ng 80kd sa rate na 150. May mga bawas pa po yan tulad ng SSS, Pagibig, Loan at TAX. Sa madaling salita ay nag neneto lang po ako ng 7-8,000 noon. Noong unang dumating ako sa Kuwait taong 2006 ay sumasahod po ako ng 150kd free accomdation , free transportation plus 1% commission sa sales. Sabihin na nating nakakauha po ako ng 230kd na katumbas ng 34,500 pesos sa rate na 150. Higit pa nga po yan kung tutuusin dahil dumating po ako dito noon, ang rate ay 180. Ibig sabihin lang dapat ay maayos ayos na ang buhay namin sa Pilipinas dahil mahigit doble na ang itinaas ng aking sahod. Kung dati na 7k na lang ang nahahawakan ko mula sa sahod ko sa Pinas, ang nahahawakan na ngayon ng aking nanay (siyang tumatanggap ng aking padala) ay 15,000 - 18, 000. Malinis na po yan, wala siyang kailangang bayaran na SSS, Pagibig or TAX. Masasabi ko ba ngayon na HINDI ko binigyan ng magandang buhay ang aking mga anak kung dati 7k lang ang pagkakasyahin ko pero ng ako ay mag abroad 15,000 na ang pagkakasyahin ng aking nanay. Pero tulad ng hinaing ng maraming OFW bakit wala akong nakita sa 10 taon kong pagtitiis dito sa Kuwait.
Nagkulang ba ako sa pagpapadala? HINDI 
Pumalya ba ako sa pagpapadala? HINDI 
Nakalimutan ko na ba sila nung muli akong mag asawa? HINDI.
Hindi ba sila nakatikim ng mga imported na sabon, chocolates, shampoo etc? NAKAKATIKIM naman 2x a year nga ako magpabagahe.
Huminto ba sa pag aaral ang 2 kong anak?  HINDI.
Napalayas ba sila sa kanilang tinitirhan? HINDI.
Actually hindi naman kami nangungupahan, meron naman akong bahay na raw house na nakuha sa Pagibig noong ako ay nasa Pilipinas pa at doon sila nakatira. Pero hindi naman nangyari na kinuha na yun ng Pagibig dahil hindi kami nakakapagbayad.
Mula sa una kong trabaho dito sa Kuwait ay nalipat ako sa isang Salon na kung saan napakalaki ng ibinababa ng aking sahod. Naging 180kd nga po ang sahod ko pero WALA pong free accommodation and WALA din pong free transportation... kaya naman po dito ako nag struggle. Naging napakasakit sa akin ng magpasiya akong sa public school na lang mag aral ang 2 kong anak para mapagkasya ang aking padala. Wala namang masama. Pero syempre umiral noon ang aking pride. Naturingang nag abroad si Michelle pero biglang mag pupublic school ang mga anak niya. Yan ang naglaro sa isip at puso ko. Pero salamat dahil mga anak ng Diyos ang nakapalibot sa akin at napagwagian ko ang pinagdaanan kong emotional na prublemang iyon. Ngayon na nagkaron ng ako ng trabaho sa medyo magandang kumpanya at nakakatanggap na din ng malaki laking sahod ay nagawa na naming kunin dito sa Kuwait ang aking 2 anak, homeschooling under Philippine School of Tomorrow. Nararanasan na nila ang init sa middle east at nararanasan din nila ang lamig sa middle east. Nakakasama ko sila twing ako ay magpapadala at alam nila na pagka sahod ko padala ako agad. Yan naman ang buhay ng OFW 1 buwan mong pagtatrabahuan ang sahod mo pero wala pang isang araw wala na sa iyo ang sahod mo, naipadala mo na. Pero di tulad noon na libre ang aking tirahan at transport, natural ngayon umuupa na kami ng sarili naming flat na nagkakahalaga ng 185KD na katumbas ng 27,000 pesos sa rate na 150.  Para po sa kaalaman ng mga nasa Pinas, natural kailangang magiwan din dito ni kabayan ng pang gastos tulad na nga ng sa amin, yung bahay, gasoline 35kd katumbas ng 5250 pesos (mura kumpara sa Pinas), tuition ni Naomi 479KD katumabas ng 71850 pesos (napaka mahal dito). Isang bata pa lang pa yan hindi pa kasama ang 2 anak ko sa homeschool na umabot din sa 50,000 yung tuition ng nila. Yan pong sahod ng OFW ay pinagkakasya para sa Pinas at sa sarili nilang pangangngailangan sa abroad. Pero ibang usapan naman yung hindi kasama ang pamilya sa abroad. Ayun kaunti na lang natitira sa kanila kase paniguradong ang iiwanan na lang nila sa kanila ay yung isang buwan na pagkain at pamasahe at accommodation. The rest ipapadala na sa Pinas. Maraming nasa Pinas ang akala nila porke abroad MARAMI NG PERA. Pag nanghiram sila expected mabibigyan agad... hindi nila alam budgeted na ang sahod ng OFW. Hindi nila alam na ang OFW nag abroad para sa pamilya niya at hindi para sa lahat ng kamag anakan. Noong ako ay umalis IYAN po ang nilinaw ko sa mga kapatid ko. MAG AABROAD ako para sa mga anak ko at kay Nanay hindi para sa inyo. Kung manghihingi kayo at hindi ko kayo mapapagbigyan wag kayong magagalit dahil hindi naman kayo ang dahilan kung bakit iiwanan ko ang regular kong trabaho dito at magbabakasakali dun sa Kuwait. Nilinaw ko din kay nanay ko na wag niyo ako etetext na magpadala na ako dahil alam ko ang obligasyon ko. Pag may sahod na ako hindi niyo na ako kailangang paalalahanan pa dahil automatic na yan magpapadala ako. Yan ang nilinaw ko sa kanila bago ako umalis.
Kaya para sa akin, hindi ko kayang sabihin na hindi ko nabigyan ng magandang buhay aking pamilya sa 10 taon na nilagi ko dito sa Kuwait. Hindi ako nagkulang. Ang dapat na tanong dyan anong ginawa ng pinagpapadalhan ng isang OFW sa perang buwan buwan na ipinadala sa kaniya. Dyan tayo ngayon magkakatalo. Kung ang tumatanggap ng iyong padala ay masinop at may pagmamahal sa pinaghirapan mo maganda ang daratnan mo sa Pinas sa paguwi mo. PERO KUNG feeling mayaman ang tumatanggap ng perang padala ng isang OFW na hindi inisip na homesick, sakit ng katawan at hirap ang katumbas ng natatanggap nilang pera buwan buwan eh iiyak ang OFW paguwi niya ng PInas. You see hindi ito ang dapat na maramdaman ng isang OFW. Hindi kasalan ni kabayan na hindi nakatapos ng pag aaral ang anak niya. Monthly kang nagpapadala yun naman pala may binabahay na palang GF or BF! Mga wala pa ngang trabaho na sarili kumuha pa ng bagong pasanin ng kaniyang OFW na magulang. Masaklap pa nito kung walang kaalam alam si OFW na kaya pala abot abot ang hingi ng pera ng mahal sa buhay sa Pinas eh dahil nga pati pamilya ng BF or GF eh kasalo niya sa padala. Hindi din kasalanan ni kabayan kung hindi nakatapos sa pag aral ang anak niya kung nalulong sa sugal ang asawa niya. Na imbis na ipangmatrikula ng anak ay inuna pa ang pagsusugal. Hindi din kasalanan ni kabayan kung wala siyang naipundar na bahay kase maraming inuuna ang benefiaciaries niya sa Pinas.
Katulad na lang ng isang comment sa aking posting sa Facebook:
mula kay Kabayan Beth Dela Cruz - walang alam ang kaniyang pamilya na naloko siya dito sa Kuwait at tinakbuhan ng ginarantoran niya kaya siya ay nagkaron ng travel ban. Mula sa sarili niyang pagod yung pagbabayad niya sa isang napakalaking utang na HINDI NAMAN SIYA ang gumamit. Padala na mula sa pagpapagal niya sa abroad na para sana sa kaniyang pamilya lang, ay di nag kakasya dahil meron pa palang ibang umaasa sa kanyang padala. Ilang taon nag tiis na hindi makauwi ng dahil nga sa kanyang travel ban at ng magpasya ng umuwi na for good wala palang naipon, masaklap may mga utang pa siyang dinatnan. Ayon sa comment ni Kabayan Beth, "hindi naman masamang tumulong pero wag naman sobra sobra." Nainitindihan ko siya sa parte ito, dahil may kilala din ako na OFW na 30 years ng nandito sa Kuwait hindi makauwi uwi kase nagpaparal pa ng mga apo. APO!? Nasan na ang magulang ng apo niya at siya na kumargo sa responsibilidad ng magulang ng batang ito. Yan ang prublema kase sa ating mga Pilipino... or sa mga OFW. Lahat inaasa na lang sa kanila kaya tuloy dapat nag rerelax na siya sa kaniyang edad eh hindi pa makauwi kase kahit uugod ugod na siya marami pa ring umaasa sa kanya. Hinayaan ng maraming OFW na maging tamad ang kanilang kapamilya sa Pinas. Katwiran kase ng isang OFW masaya akong makitang natutulungan ko sila. Paano kung mawala ka na kabayan, sino na ang tutulong sa kanila? Kelan pa sila matututong maging isang responsableng mamayan ng Pilipinas.
ang mga sumusunod ay ilan pa sa mga OFW na nagiwan ng kanilang comment. Inuulit ko kanya kanya po tayo ng point of view ito po ay mula sa kanilang OWN POINT OF VIEW, yours might be a different one. Basahin lamang po at kapulutan ng aral...

  

with hubby and son

Mildred Lorbes ... 24 years and counting. Yes, nbigyan ko ng
magandang buhay ang aking pamilya. Nakabili ng bahay, lupa,
natulungan ko ang mga ko kapatid sa pagaaral, natulungan ko
financially ang mga magulang namin at hanggang ngayon
nakakapagpasaya  kami ng mahal sa buhay kapag
nagbabakasyon sa Pinas. Sabi nga sa Word of God, you
can give without love but you cannot love without giving,
palaging may paraan, kaya nga tayo nag OFW para sa mga
mahal sa buhay, di ka siguro aalis ng bansa para magpakahirap dahil sa iyong sarili lang, kundi kasama sa mga panagarap mo ang mga mahal mo sa buhay, whether partner in life, anak, magulang o mga kapatid. "Bakit ako magpapakahirap maging OFW kung sarili ko lang iisipin ko eh di sa Pinas na lang ako maging makasarili!"


ito ang bahay na naipatayo namin


Kuha naman ito sa sala. At sila ang mga lalaki sa aking buhay. Ang aking asawa at kaisa isang anak na si Julian James. Di gaya ng ibang OFW, sila mag ama ko ay kasama ko dito sa Kuwait.











Yung nasa kanan ang isa sa aking kapatid na pinag aral namin


Fernando Guerrero... for me i've been in abroad for the last 15 years, i did my best for my family! Hindi ko kailanman naging sukatan yung regular na pagpapadala ng remittances or yung regular na pagpapadala ng bagahe para sabihing naibigay ko sa kanila yung best. Para sa akin, providing them what they need everyday is enough plus regularly communicating with them about activities in church, about school and even personal topic. Pero dun naman sa nagsasabi na hindi nila nabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Well, marahil mataas ang expectation niya ng mag abroad siya para sa pamilya... bahay at lupa, kotse, bank account, business etc. hindi masamang mag invest lalo na kung may kakayahan ang isang OFW, but hindi sukatan ang mga bagay na ito na hindi mo nabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo. Remember iba-iba ang uri ng trabaho,  hindi parepareho and sinusweldo but constant communication sa pamilya and providing them ng need nila (not want)  is enough para sabihing naibigay ko ang da best para sa family ko pero kung ang isang ofw ay may malaking sweldo at the same time kulang ang sustento sa pamilya niya that is another issue. Again for my 15 years abroad I know I  already gave my best for my family at continuous yun hanggang makakaya ko lalo na sa pagguide sa kanila sa buhay ispirituwal.



Cynthia Plazos...Been in Q8 for a decade. And yung
mga nakakailala sa amin sa Pilinas makakapagpatunay  
sila that our family became better since I went abroad.
nakababatang kapatid
ng aking asawa

supported them financially not only my parents but
also my siblings and even their children. Habang wala pa
naman akong pamilya binuhos ko talaga ang suporta sa
kanilang lahat. Ang maliit na negosyo na napundar ko ay 
hinayaan ko pa din na sa pamilya ko mapunta ang kinikita.
Until now I always make sure that they are ok financially!
Lahat ng pagsisikap ko d2 sa abroad ay inaalay ko for my
family! At ng nag-asawa na ako whom  I met here  sa
Kuwait nagpatuloy pa rin ang supporta ko sa family
ko but hindi na tulad noong single pa ako! Medyo limite
na ang tulong ko sa aking mga kapatid. At dahil wala na mga parents ko i supported   the studies of one of my
nephews. Which is with my husband permission! In our almost 5 yrs of being married hindi  namin pinabayaan ang sarisarili naming pamilya. Noong hindi pa kami ikinakasal ay pinagusapan na namin ang tungkol sa financial support sa aming sariling family. His parents continuously receives an allotment every month from us. Ang sumunod na kapatid ng husband ko napatapos namin ng college at ang bunso nasa 2nd yr college na rin ngayon. Nakapagpatayo kami ng bahay for his parents sa kasawiang palad nasira naman noong lindol sa Bohol. But we did not stopped to help them and infact we are ready to start again to build a new house for the family of my husband. Nagkaroon din ng kaunting kabuhayan ang aking biyenan...Kaya po kahit wala kaming mansion na naipatayo, wala kaming Mercedes Benz na sasakyan, hindi sa Exclusive University namin napag aral ang aking pamangkin at mga bayaw, hindi ko masasabi na hindi namin nabigyan ng magandang buhay ang aming pamilya dahil  comparing our lives before, our family now had started to have a  better life since we worked abroad!  






Eto ang bahay na napatayo naming mag asawa para sa kanyang magulang. Isang katuparan sa mga pangarap ng isang OFW.
Ngunit sa di inaasahang pangyayari, nagiba po yan gawa ng isang napakalakas na lindol na yumanig sa Bohol. Nagkataong nakabakasyon din kami non sa Pilipinas.



Eto ang nangyari sa aming bahay matapos tamaan ng lindol...
matiryal lang yan. Ang mahalaga ay ligtas kaming lahat noon.











Matapos ang 2 taon, eto na ulit.. nasimulan na ulit
naming makapagtayo ulit ng panibagong bahay ng aking mga byenan.






nakabili din kami ng inahing baboy and ayan naman, kitang kita may mga biik na si Babe the galant pig.










  
Eto naman ang pinagkakaitaan ng aking byenan. At malaki din ang naitutulong nito para sa kanilang pang araw araw na pangangailangan sa Bohol.










Eto naman yung sa aking kapatid , na pinagkakakitaan din nila. Dito na rin sila kumukuha ng pang gastos nila sa pang araw araw....


Lahat ng pagsisikap ko d2 sa abroad ay inaalay
ko for my family!

You see hindi porke ikaw ay nag abroad SOLO mo na ang pagkilos. Laging may counterpart ang nasa Pilipinas...Kung masinop sila sa pinaghihirapan mo sa ibang bansa may daratnan ka pag nagpasya ka ng mag for good.








bata pa lang siya masikap na
talaga sa pagaaral

Rommel Tan .... Sa akin naman di sukatan yung pagiging matagal mo na sa abroad para sabihin natin na naibigyan mo ng magandang kinabukasan ang family natin. Yung Makita mo na sila na naitataguyod mo na makapagaral, nakakain ng wasto, yung maipakita at maparamdam mo sa kanila ang kanilang importansya,  maibigay ang kanilang pangangailangan sa araw-araw, sapat na yan para sabihin kong I did my best for my family. Mahirap yung mag abroad lalo na kung mayroon ka ng pamilya na maiiwan sa Pinas. Isa itong napakalaking sakripisyo, hirap ng kalooban ang baon ng isang OFW sa pagalis ng bansa. Maraming pagdadaanan na hirap ng katawan, isip at loob ang kakaharapin ng nagbabalak mag abroad pero kailangan natin lisanin o iwanan sandali ang ating mga mahal sa buhay dahil ito ay para sa magiging kinabukasn nila. Kailangan din ay matalino ka na magamit lamang sa tamang paraan ang ating kinikita dito sa abroad. Dapat nating isipin na ang sasahurin natin dito sa abroad ay kailangan mapunta sa tunay na dahilan ng paglisan mo... ito nga ay para sa pamilya, hindi ito para sa kapricho, hindi para sa bisyo, hindi para sa mga kabarkada or kung kanino pa man... ito ay para sa pamilya mo. Yan ang dapat nating isipin lagi. Masaya na ako ngayon sa kinalaglagyan ng aking pamilya. Sa pinagsamang kinikita namin ng aking butihing maybahay ay napapagkasya naman namin ito sa aming 5 anak. Masasabi kong successful ako dahil nakikita ko din naman sa aming mga anak na ginagawa din nila ang kanilang parte bilang gaya ng pagpapahalagaan at pinagbubuti sa pagaaral nila at isa naman ito sa nakakapagpapataba ng puso nmin magasawa.
 

nakakaPROUD na Makita mong tumanggap
ng academic awards ang iyong anak

sanay na sanay na si better-half sa pag sasabit ng medal


 
Yung makita ko lang na nakakain sila ng maayos... nabubusog sila... Lalo na kung sabaysabay kaming kakain ng tulad nito... I can say that I gave the best already.
  
Hindi pa ako nakaka abot ng 10 years sa abroad... pero sinisiguro ko naman na ang bakasyon ko ay para sa pamilya ko. Para sa kanila lang... di ko ako yung tulad ng iba na kulang ang bakasyon kung hindi mapaglaanan ng oras ang mga katropa. I mean, I can meet with  them yes... but its not a priority. Sa twing bakasyon ko MY FAMILY IS MY FIRST PRIORITY.
This is my BIG FAMILY!
Firstly I am a proud husband and secondly a proud father.
They are the reason, why I am like you an OFW.


Elinor Chee... Yes po! Hindi po mahalaga yung dami ng taon. Our loved ones, temporary absence  from our sight  has left  every hearts unassured (God Forbids). Just to make our dreams become a reality, and  to others even just to the point of meeting the very needs of  the family. It is very costly po ang malayo sa mahal sa buhay. It may either cost your loved ones to go astray or to be inspired. Costly po and risky because you'll never know what will be the ultimate  consequences this might cause everyone in the family. With all honesty we all have one purpose why we have chosen to become an OFW DAHIL GUSTO PO NATIN SILANG MAGKAROON NG MATIWASAY NA BUHAY.GOD BLESS OFW!

Gusto ko lang ishare dito ang isang posting sa facebook na makakarelate ang marami sa atin... ewan ko lang kung makakarelate yung tumanggap ng sustento ha. Pero dapat tamaan naman sila diyan....



Pagkalaki laki naman ng picture na nito! Tska parang hindi naman tugma sa topic ko. Hindi ba nga ang pinaguusapan natin ay ang dahilan ng pagalis ni kabayan ay para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. in other words, may mai-SUSTENTO tayo sa mga mahal natin sa buhay. Pero tayong mga OFW ay kailangan ding maging wise. Hindi sa habang buhay ay nasa abroad tayo, minsan biglaang napapauwi, minsan (wag naman sana) nagkakasakit at kailangan ng umuwi, minsan naman dito na aabutin ng huling hininga, etc etc... abah kabayan, kung malalaki na ang mga anak mo at may mga sarili ng asawa, ganon din ang iyong mga kapatid... kagaya ng pagtaguyod mo sa kanila DAPAT NAMAN AY MAITAGUYOD NA DIN NILA YUNG SARILI NILA. Hindi yung hindi ka na makauwi sa Pinas kase nagkaron ka na ng maraming apo, or nagkaron na ng maraming pamangkin. Paano kung wala na tayo tska pa lang ba sila magbabanat ng buto. Mabuti nga kung magbanat ng buto paano kung pumasok sa maling gawa para sa madaliang pera. Mga ka-OFW alam natin na nandito tayo para sa ating pamilya, para mabigyan ng magandang buhay ang ating pamilya pero sa paglipas ng panahon kailangan din nating isipin ito. Babalik at babalik pa din tayo sa ating bansa kaya kailangan bago pa lang ay ihanda na natin sila na kailangan ay magsumikap din sila para hindi na nila danasin yung mga hirap na pinagdaanan natin (kung meron man) dito sa abroad.

Hindi naman siguro ito same case sa lahat ng OFW... pero siguro naman iilan lang yung SINADYA na talaga na talikuran ang kanilang unang pangarap. Meron naman talaga dito na nagkaron ng ibang pamilya sa ibang bansa pero nagpatuloy pa din sa pagtulong sa nilokong pamilya. Meron din naman akong kakilala na nagkaron na ibang pamilya sa abroad, pinili ang bagong pamilya sa abroad.. pero nagkaron na lang ng kasunduan na hindi magpapabaya sa sustento sa original family. Meron din naman talaga na TINALIKURAN AT KINALIMUTAN na ang totoong pamilya sa Pinas. Well, I believe hindi naman ito lahat ng OFW meron lang talagang ibang mga umalis ng bansa na lumiko ng landas. Yung mga napalayo sa Diyos kung kaya't naging liko ang napiling landas. Ito yung sinasabi ni kabayang Elinor Chee, "It is very costly po ang malayo sa mahal sa buhay. It may either cost your loved ones to go astray or to be inspired. Costly po and risky because you'll never know what will be the ultimate  consequences this might cause everyone in the family."




Ako ay isang produkto din ng isang OFW lola and OFW father
kaya naman relate na relate po ako sa mga topic ko dito...
para po sa ating mga anak na ngayon ay magulang na din po...
para sa atin po itong paalala mula kay Joemar Del Mundo. 


Para kay kabayan na naging dahilan kung bakit nasimulan ko po ang usaping ito... Kilala kita kabayan. Huwag mong isisi yan sa sarili mo. Ginawa mo ang lahat, ginawa mo na ang the best para sa kanila, hindi man yun nakita ng mga anak mo.. PERO AKO NAKITA KO  YUN. Hindi ka nagiisa kabayan, our God is an awesome God. Your labour is not in vain. Mabuhay tayong mga OFW! Purihin ka Panginoon for without You Lord, we are nothing.