Isang text message mula sa Pilipinas ang natanggap ng isang OFW MOM.
Pinas : Anak, 500 na lang ang natira sa padala mo. Paano ko pa ito mapapagkasya hanggang susunod mo na padala?
Sa pagkakabasa nito ng isang OFW na tulad ko ano kaya ang mararamdaman nya? ano kaya ang magiging sagot nya?
Pinas : Christmas Party na ng mga anak mo next week, ni wala man lang silang bagong damit, bagong sapatos at pang exchange gift?
Sa kasunod na text na ito ano kaya ang mararamdaman mo bilang isang ina na nagtatrabaho sa abroad?
Pinas : Winidraw ko na yung last money na 500 pesos, wala man lang kaming pang noche buena at pang medya noche. Kayo diyan siguradong merry ang christmas nyo, samantalang kami dito tuyot.
Ikaw kung matatanggap mo ang text na ito, ano ang magiging reply mo? Bilang isang OFW na ina, ano ang isasagot mo kung makakatanggap ka ng mga ganyang text message?
Kung ako ang makakatanggap ng mga message na ito....ang masasabi ko lang masakit. Malulungkot ako bilang isang ina, yung maisip mo lang na sa party baka sila lang ang wala man lang bagong damit. Yung tipong naturingan na nasa abroad ako pero wala man lang akong maipadala na pambili ng pamaskong damit nila. Masakit sya diba. Kung didibdibin mo nga naman ito maaring magmukmok ka na lang at sisihin ang sarili mo kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay mo. Kaya nga yung iba gumagawa ng mali para lang medyo makaalwan sa buhay. Para lang maipakita sa Pinas na hindi mahirap ang buhay nila sa abroad. Uutang dito at doon para lang masunod ang kapricho ng mga umaasa sa Pinas.
Sa pinaka huling text message, ako mag rereact. Doon ko gustong i-focus ang usapang ito.
Winidraw ko na yung last money na 500 pesos
Naiisip nila yung last money na iwiwidraw nila sa bangko. Khit medyo maaga pa nga para iclaim nila na last money na yun ni hindi man lang kumalahati ang buwan eh buti pa sila meron pang last money. Eh ako, pagkasahod ko wala na akong last money na masasabi kase naipadala ko na lahat. Ni hindi man lang kumalahati ang isang araw wala na akong last money na matatawag. Once a month lang naman ako nagkakapera dito ah pero kung makatext naman sila parang gusto pa nila ulit magpadala ka. Eh saan ako kukuha ng ipapadala, naipadala ko na nga. Ganon din naman lahat ng OFW na may sinusuportahang pamilya sa Pinas, pagkasahod padala na agad kaya wala ng pera.
wala man lang kaming pang noche buena at pang medya noche
Bakit ako ba meron dito. Yung iba, oo siguro meron pero ako..bakit kung magtext sila akala nila meron ako. Paano nilang nasiguro na may pang noche buena ako, pang medya noche ako? Dahil siguro sa mga pictures sa Facebook? Ang hindi kase alam ng marami na nasa Pilipinas, yung mga picture na yun eh imbitado ka lang sa isang handaan. Hindi ikaw ang nagpahanda kundi inimbitahan ka lang na dumalo para makakain ka din ng masarap.
Kayo diyan siguradong merry ang christmas nyo, samantalang kami dito tuyot
Dito ako masaydong maapektuhan... kung ganito ng ganito ang iniisip ng mga nasa Pilipinas. Hindi nila maiisip ang kalagayan natin dito sa ibang bansa. Ang nakatanim kase sa isipan nila maganda ang buhay natin dito, na hindi tayo nalulungkot sa abroad, hindi tayo nahihirapan sa abroad etc...Paanong magiging merry ang christmas mo kung makakareceive ka ng mga ganitong text, na animo'y kinukwestiyon ka pa na bakit P15,000 lang kase pinapadala mo. Kung kaya mo lang magpadala ng 20mil 30mil o 50mil bakit hindi diba. Ang sarap kaya ng feeling ng pumipila sa padalahan ng pera, eh kaso ang prublema yun lang ang kaya mong ipadala. Merry ang Christmas ko kase hindi ko iniisip na pasko ay para lang sa mga bagong damit bagong sapatos noche buena at medya noche. Para sa akin Christmas araw araw dahil twing gigising ako may bagong umaga na sumasalubong sa akin. Araw araw merry ang Christmas ko kase Christ lives in me. Kung wala siguro Sya sa akin at makatanggap ako ng ganitong mga message baka ang reaction ko ay kagaya na din ng reaction ng iba...nagwawala.

No comments:
Post a Comment