Sunday, July 8, 2012

Kabayan from Kuwait

KABAYAN GEMMA MATAWARAN PADUA
OFW from Kuwait

a working wife and a mother of 3 boys...sa 10 taon mong paninirahan sa ibang bansa, saludo ako sayo
KABAYAN dahil nakapagpatapos ka na ng 2 kolehiyo, nakapag pundar na ng lupa at sasakyan


1. Gaano ka na katagal nag aabroad?
Answer: 10 years na

2. Nung una kang umalis ano ang pinagako mo sa pamilya mo? Natupad mo na ba?
Answer: wala akong pangako sa aking mga anak,kaya ako nagpunta dito sa Kuwait para tulungan ang papa nila sa pagaaral nila.

3. Matagal ka na bang nagtatrabaho dito sa Kuwait?
Answer: 10 ten years na nga.

4. Anong trabaho mo dito sa Kuwait?
Answer: Cashier/Sales

5. Masaya ka ba dito sa Kuwait?
Anwer: OO, Masaya ako dahil kasama ko ang asawa ko at dahil may work ako at the same nag serve sa Panginoon Hesus.

6. Kasama mo ba ang pamilya mo sa Kuwait? Kung OO ang sagot proceed to #8
Answer: Asawa ko lang

7. Paano mo nililibang ang sarili mo pag naalala mo ang mga anak mo, asawa mo?
Answer: OO, naalala ko araw araw ang mga anak normal lang yon ang ginagawa ko ay nanalangin para sa mga anak ko.

8. Gaano ka kadalas magbakasyon sa Pinas?
Answer: Yearly

9. Hanggang kelan mo pa balak manatili dito sa Kuwait?
Answer: Pagnakatapos si  bunso ko sa college..7 years.

10. May mga naipundar ka na ba? Gaya ng bahay at lupa, negosyo o napagpatapos ng pagaaral...
Answer: Nakapagtapos na ng college ang dalawa naming anak, nakabili ng kami ng  lupa, sasakyan at nagbibigay din kami ng support sa allowance ng mga estudyante pamangkin at kapatid.

11. Anong magandang karanasan mo sa mga lokal na pwede mong maibahagi sa iba?
Answer: Nagkasakit ako dito ng breast cancer naoperahan at di gumastos ng malaking halaga dito sa Kuwait, maganda ang benefits na binigay ng lokal na pamahalaan sa aming mga expats at higit sa lahat salamat sa Dios, ako ay gumaling through prayer ang cancer ay naging negative.

12. Kung papapiliin ka hahayaan mo ba ang anak mo na malayo sa pamilya nya para magtrabaho sa malayong lugar?
Answer: Ngayon ay practical na sa hirap ng buhay mas mgiging independent ang mga anak namin kung malalayo sila.

madami sa mga KABAYAN natin ang di pa makauwi sa kadahilanang wala pa daw silang naipupundar or whatsoever...meron namang, ang tagal ng nasa ibang bansa may mga naipundar na pero ayaw pa ding mag for good kase madami pa daw ang umaasa sa kanya...si Ms. Gemma Padua ay isang halimbawa ng OFW na masasabi nating may goal, tapos na yung 2 nyang anak ng college and gusto pa niyang magstay sa Kuwait kase hindi pa tapos ng college ang kanilang bunsong anak. Hindi masasabing sayang ang pagpunta nya sa Kuwait dahil in 10 years katuwang nya ang kanyang asawa at sila ay nakapag pundar na ng lupa at sasakyan. Higit sa lahat bukod sa pagsisislbi nila sa kanilang mga anak ay pinili din nilang mag silbi sa Panginoon. Saludo ako sayo kabayan. And i'm sure maging ang mga anak nyo ay saludo din sayo.

No comments:

Post a Comment