Monday, July 9, 2012

OFW Dad from Dubai

SIR MANUEL MALAPIT JR.
OFW DAD from Dubai

not the best photo pero OFW talaga ang dating, wala ng buhok

1. Gaano ka na katagal nag aabroad?
ANSWER: 13 years

2. Nung una kang umalis ano ang pinagako mo sa pamilya mo? Natupad mo na ba?
ANSWER: I do not make any promises, I just deliver, right now I have invested a lot (100 sq m. lang sa tagig) and a 4 bedroom sa cavite, plus four of my kids are in a good school.


3. Matagal ka na bang nagtatrabaho sa Dubai?
ANSWER: 13 years na rin


4. Anong trabaho mo sa Dubai?
ANSWER: Entertainment and Events Management

5. Masaya ka ba sa Dubai?
ANSWER: Hindi, just doing this because of the family. Tyagaan lang tlaga

6. Paano mo nililibang ang sarili mo pag naalala mo ang mga anak mo, asawa mo?
ANSWER: I make it a point that I wil be always busy at work, and during dead hours I play basketball.

7. Gaano ka kadalas magbakasyon sa Pinas?
ANSWER: once a year

8. Hanggang kelan mo pa balak manatili dito sa Dubai?
ANSWER: 5 years

9. May mga naipundar ka na ba? Gaya ng bahay at lupa, negosyo o napagpatapos ng pagaaral...
ANSWER: same as number 2, 3 of them are in college and one in highschool


10. Anong magandang karanasan mo sa mga lokal na pwede mong maibahagi sa iba?
ANSWER: Some are good with the Filipino Community some are not, my presen employer is an Emarati, and they prefer an all Filipino  staff because sa quality ng work natin.

11. Kung papapiliin ka hahayaan mo ba ang anak mo na malayo sa pamilya nya para magtrabaho sa malayong lugar?
ANSWER: NO, mas pipiliin ko nag work sila sa Pinas but naka mind set na rin sila to work abroad dahil sa hirap sa Pinas.

12. Pinagsisisihan mo ba yung desisyon mong mag abroad at malayo sa pamilya mo?
ANSWER: No, financially ok kasi kami and Yes, kasi its very tough to be away with your family, VERY TOUGH

13 Anong lugar sa Dubai ang sa tingin mo dapat na mapuntahan ng isang expat? Bakit?
ANSWER: All of it. walang pangit sa dubai, mAgastos lang, but syempre BURJ KHALIFA.


14. Bilang isang OFW ano ang pinakamagandang karanasan na nangyari sa yo sa Dubai ?
ANSWER: PATIENCE AND EXECUTIVE MATURITY

15. Sa iyong palagay bakit ba madaming mga Pilipino ang nag aasam na makapag abroad?
ANSWER: High rate of unemployment.

16. Ano ang hinding hindi mo malilimutan na sinabi sayo ng anak mo twing magbabakasyon ka? o twing nagkakausap kayo?
ANSWER: they are all SPEECHLESS pag aalis na ako, but i i talk to them thru phone they always tell me kumpleto na bahay, ikaw na lang ang kulang daddy

17.Ano ang masasabi mo sa pagpapatupad ng compulsary PAGIBIG contribution?
ANSWER: Good kung sa magandang  bulsa mailalagay ang pondo, but mabigat sa mga malilit ang sweldo na alam naman natin na majority sa OFW ay tamang tama lang sa expenses back home.

18. Kung ikaw ang Presidente anong pagbabago ang gusto mong ipatupad para sa kapakanan ng mga OFW?
ANSWER: FREE EDUCATION SA BENEFICIARIES, SUBSIDIZED HOUSING, AT 0 DUTIES AND TAXES KUNG MAY DADALHIN KA NA KOTSE (hehehhe) (KAHIT ISA LANG)


19. Anong payo ang pwede mong maibahagi para sa mga nagbabalak mag abroad?
ANSWER:  LIVE WITHIN YOUR MEANS, KUNG ANO ANG KAYA YUN LANG! PARA HINDI MAGKAROON ANG NASA PINAS NA IDEA NA MADALING KITAIN ANG PERA DITO, PAG NANGHINGI SILA YUN LANG TAMA ANG IBIGAY. SAME PHILOSOPHY APPLIES ON BOTH PARTIES (SA PINAS AT DITO SA ABROAD).


Manuel Malapit Jr. or Sir Manny for short.... an OFW Dad who from his experience abroad learned PATIENCE & EXECUTIVE MATURITY. Bilib ako sayo Sir. And you're right --- LIVE WITHIN YOUR MEANS.  Gaya nga ng sabi mo Sir, 5 more years...kaya mo yan Sir, by God's GRACE i know mas magiging successful ka pa.

Madami kase ang nagaakala na madali ngang kitain ang pera sa abroad...Madami din mga nasa Pinas na porke alam nasa abroad ang kamag-anak iaasa na lang nila dun ang mga sarili nilang tungkulin. Pag hindi napagbigyan masama na ang tingin nila sa amin na mga nasa abroad. Hindi nila alam, ang bawat dolyar na pinadadala ng mga ofw katumbas nun ay PAWIS at LUHA.

No comments:

Post a Comment