The Seaside
Naomi with her father taken at the seaside with a very nice view of the Kuwait Towers from afar |
This WAS my idea of the Middle East :
- Extremely HOT
- Camels roaming around
- Sand everywhere
- Scary faces
- Smelly
- Unpleasant food
- No water
Mali pala ako...
EXTREMELY HOT i thought i will always perspire and will need my Johnson's baby powder cornstarch. Hindi naman pala needed at bihira ka lang pala pagpapawisan kase sa bahay non-stop pala ang AC, di gaya sa Pinas when it's time to sleep lang namin bubuksan ang aircon. Plus kahit saang lugar naman, work, mall, restaurants, supermarkets, sari-sari store ( bakala ) kahit nga fish market eh di aircon, sa transport mo din naman naka aircon ka din pwera na lang kung sira sasakyan nyo. Lahat de aircon kaya di ka masyadong apektado ng init.
CAMELS - Promise akala ko makikita mo lang sila sa tabi tabi. Sayang gustong gusto ko pa naman makakita ng ganon. Buti na lang naka punta ako sa ZOO, yun nga lang ang after ko sa zoo dito, yung camel. Kaso the last time we went there nung May 2012 sarado na yung side ng for camels kase pinagbababato daw ng mga shabab. Haram. Sayang kase first time pa naman sana ng anak ko na makakita ng camel. Anyway, i saw one already but i'm still dreaming na makakita mismo ng camel sa disyerto ... you know, yung tipong palakad lakad sila yung parang nakikita mo sa movies.
SAND - buhangin everywhere akala ganon din, yun pala, para ka lang din nasa Pilipinas. Hehehe lalo na nung pagdating ko dito, yung part ng city akala ko nasa Divisoria ako. Well, good thing unti2 ng nirerenovate yung mga mala Divisoria na lumang building dun.
SCARY FACES - hindi nga! I thought they all look like goons. Yes, tama ako na mga balbas sarado sila pero mga handsome pala sila. Good looking naman pala hindi mga goon looking. And even yung mga babae nila dito ( mga nakatakip ) marami sa kanila pag inalis na nila yung face covering nila WOW...very pretty. Iisipin mo, sayang naman natatago lang ang mga ganda nila.
SMELLY - sabi nila smelly daw kase sa spices na kinakain nila. Well, kahit saan naman may smelly hehehe pero grabe naman sila sa bango pag nagbukor na sila or naglagay na sila ng pabango. Mamahaling mga perfumes ba naman and oud fragrances eh sino ba namang hindi magiging mabango dun. At saka thanks sa mga influence nating mga Pinoy natututo na silang maging mabago. Syempre, may ilang nakaka himatay ang amoy.. pero if you learn to love them, mabaho man sila hindi na ganon ka negative ang reaction mo. We are all the same in the eyes of God. God is love then sino tayo para hindi sila tanggapin at mahalin.
UNPLEASANT FOOD - sabi ko noon before i left the Philippines. Surely i will loose weight kase syempre iba ang pagkain nila. Abah eh, when my boss saw me he told me, " Michelle believe me you will gain 20kilos here if you will not diet. " Truely naman sya, from 55k i was up to 70k.Muntik na syang maging accurate sa pag calculate ng magegain ko na weight. Masarap naman kase kahit papano yung ibang mga foods nila idagdag mo pa yung mga sweets nila. hayyyyyy... halos hinahahagis na lang sa amin noon nung nasa Platinum pa ako. Kaya naman i started to diet kase lagi na akong pinagsasabihan ni amo.. Michelle diet, diet diet. Salamat naman at with self discipline, more water, walking, one rice meal a day, less chocolates from 70kg i was down to 50kg ! Noon! Kaso balik lobo ako ngayon after i deliver my third baby. Well, if i did it before i can still do it today.... so, go go go...diet!
NO WATER - when my brother in law first brought me to the church, we passed by the seaside and i can't believe what i saw...may dagat pala dito. hehehehe funny.. really all the while i thought puro land, puro sand lang dito eh ang ganda pala...very few lang sa seaside nila ang may fee para makapag picnic ka or makapag swim. Open to public pala ang beach nila dito, pwede ka pang mangisda, may play ground pa. Yung iba may basketball courts pa. Ang ganda, ang galing.
So that was my idea of the middle east before na kabaliktaran pala...how about you what was your idea of the middle east before?
dear tita mich, very nice blog:)thanks for your encouraging comments sa aking munting journal. napulot ko rin yung recipes sa internet and ginawan ko na lang ng chef cha's touch. hehehe:)) anyways, there are moe things to come so just keep in tune sa aking mga updates. God bless you always, and keep up the nice works:))
ReplyDeletehehehe welcome alang anuman...
Delete