Wednesday, December 19, 2012

ANONG REPLY MO?

Isang text message mula sa Pilipinas ang natanggap ng isang OFW MOM.

Pinas : Anak, 500 na lang ang natira sa padala mo. Paano ko pa ito mapapagkasya hanggang susunod mo na padala?

Sa pagkakabasa nito ng isang OFW na tulad ko ano kaya ang mararamdaman nya? ano kaya ang magiging sagot nya?

Pinas : Christmas Party na ng mga anak mo next week, ni wala man lang silang bagong damit, bagong sapatos at pang exchange gift?

Sa kasunod na text na ito ano kaya ang mararamdaman mo bilang isang ina na nagtatrabaho sa abroad?

Pinas : Winidraw ko na yung last money na 500 pesos, wala man lang kaming pang noche buena at pang medya noche. Kayo diyan siguradong merry ang christmas nyo, samantalang kami dito tuyot.

Ikaw kung matatanggap mo ang text na ito, ano ang magiging reply mo? Bilang isang OFW na ina, ano ang isasagot mo kung makakatanggap ka ng mga ganyang text message?


Kung ako ang makakatanggap ng mga message na ito....ang masasabi ko lang masakit. Malulungkot ako bilang isang ina, yung maisip mo lang na sa party baka sila lang ang wala man lang bagong damit. Yung tipong naturingan na nasa abroad ako pero wala man lang akong maipadala na pambili ng pamaskong damit nila. Masakit sya diba. Kung didibdibin mo nga naman ito maaring magmukmok ka na lang at sisihin ang sarili mo kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay mo. Kaya nga yung iba gumagawa ng mali para lang medyo makaalwan sa buhay. Para lang maipakita sa Pinas na hindi mahirap ang buhay nila sa abroad. Uutang dito at doon para lang masunod ang kapricho ng mga umaasa sa Pinas.


Sa pinaka huling text message, ako mag rereact. Doon ko gustong i-focus ang usapang ito.

Winidraw ko na yung last money na 500 pesos
Naiisip nila yung last money na iwiwidraw nila sa bangko. Khit medyo maaga pa nga para iclaim nila na last money na yun ni hindi man lang kumalahati ang buwan eh buti pa sila meron pang last money. Eh ako, pagkasahod ko wala na akong last money na masasabi kase naipadala ko na lahat. Ni hindi man lang kumalahati ang isang araw wala na akong last money na matatawag. Once a month lang naman ako nagkakapera dito ah pero kung makatext naman sila parang gusto pa nila ulit magpadala ka. Eh saan ako kukuha ng ipapadala, naipadala ko na nga. Ganon din naman lahat ng OFW na may sinusuportahang pamilya sa Pinas, pagkasahod padala na agad kaya wala ng pera.

wala man lang kaming pang noche buena at pang medya noche
Bakit ako ba meron dito. Yung iba, oo siguro meron pero ako..bakit kung magtext sila akala nila meron ako. Paano nilang nasiguro na may pang noche buena ako, pang medya noche ako? Dahil siguro sa mga pictures sa Facebook? Ang hindi kase alam ng marami na nasa Pilipinas, yung mga picture na yun eh imbitado ka lang sa isang handaan. Hindi ikaw ang nagpahanda kundi inimbitahan ka lang na dumalo para makakain ka din ng masarap.

Kayo diyan siguradong merry ang christmas nyo, samantalang kami dito tuyot
Dito ako masaydong maapektuhan... kung ganito ng ganito ang iniisip ng mga nasa Pilipinas. Hindi nila maiisip ang kalagayan natin dito sa ibang bansa. Ang nakatanim kase sa isipan nila maganda ang buhay natin dito, na hindi tayo nalulungkot sa abroad, hindi tayo nahihirapan sa abroad etc...Paanong magiging merry ang christmas mo kung makakareceive ka ng mga ganitong text, na animo'y kinukwestiyon ka pa na bakit P15,000 lang kase pinapadala mo. Kung kaya mo lang magpadala ng 20mil 30mil o 50mil bakit hindi diba. Ang sarap kaya ng feeling ng pumipila sa padalahan ng pera, eh kaso ang prublema yun lang ang kaya mong ipadala. Merry ang Christmas ko kase hindi ko iniisip na pasko ay para lang sa mga bagong damit bagong sapatos noche buena at medya noche. Para sa akin Christmas araw araw dahil twing gigising ako may bagong umaga na sumasalubong sa akin. Araw araw merry ang Christmas ko kase Christ lives in me. Kung wala siguro Sya sa akin at makatanggap ako ng ganitong mga message baka ang reaction ko ay kagaya na din ng reaction ng iba...nagwawala.

Wednesday, November 21, 2012

ANG UNCLE KONG SEAMAN

Finally after long months of waiting...mafefeature ko na din ang isa sa aking kapamilya...
Engr. Fortunato Z. Ultado, pangatlo sa 9 magkakapatid. Sya ang kaisa isang seaman na kapatid ng tatay ko. Bata pa lang ako ay kilala ko na sya sa pagiging kengkoy. Palabiro po ang uncle ko na ito, madalas nyang biruin ang lola Conching namin. Lagi nyang pupurihin ang lutong hinahain ni lola Conching. Matulungin siyang anak at kapatid sa kanyang pamilya. Bago ko malimutan, Renee nga pla ang kanyang palayaw. Bakit ko ba sya gustong mapasama dito sa site ko na ito.
Hindi po ito dahil kamag anak ko sya ha, ito ay dahil hinangaan ko ang kanilang pamilya. Hindi lahat ng nagtatrabaho sa abroad o sa barko ay masasabi mong umasenso. Karamihan kase napunta lang sa wla ang mga pinaghirapan. Si Tito Renee masasabi kong may sariling paninindigan na kumilos upang hindi maging pabigat sa buhay ( bato bato sa langit ang tamaan may bukol ). Masarap magtrabaho sa ibang lugar, isa lang naman dahilan nyan eh kung bakit masarap, kase nakakapagpadala ka sa pamilya mo. Pero ang saya na ito ay may kaakibat na sakripisyo at lungkot minsan pa nga hinanakit. Si Tito Renee ay isang OFW or Seafarer na tinitingala ko. Tulad po ng mga naunang kong nailathala dito ay may mga nakahanda din po ako na katanungan para sa kanya na mabilis naman po nyang nasagot kagabi ( Nov 20, 2012 ). Ng sabihin nya sa akin mula sa FB chat na pauwi na sya...eh dali dali kong sinabi na magkakatime na sya ngayon na sagutin yung mga pinadala kong questions.Twing dadaong lang kase ang kanilang barko sya nakakapag internet kaya inabot ng ilang buwan ito bago masagutan.

Engr. Fortunato Ultado
ang uncle kong Seaman

duty calls
1. Gaano ka ng katagal na Seaman?
ANSWER: 23 years as a seaman
2. Nung una kang umalis ano ang naipangako mo sa pamilya mo? Natupad mo na ba?
ANSWER: Pinangako ko na tutulong ako sa kanila, pati na sa pag papaaral sa aking mga kapatid. Natupad ko yon. Pero parang kulang pa, di ako nakapagpatayo sa kanila ng malaking bahay.
3. Matagal ka na bang nagtatrabaho sa ibang lugar?
ANSWER: 23 years na nag babarko at 2 yrs sa Saudi total of 25 years
4. Anong trabaho mo sa barko?
ANSWER: Electrical Engineer
 5. Masaya ka ba sa barko?
ANSWER: Hindi, pero kailangan e! para sa financial
6. Paano mo nililibang ang sarili mo pag naaalala mo ang mga anak mo at asawa mo?
ANSWER: Iniisip ko na lang ang perang kikitain para sa pamilya,at sinasabayan na rin ng dasal
7. Gaano ka kadalas magbakasyon sa Pilipinas?
ANSWER: 6 1/2 na contrata 2-3 months ang bakasyon
8. Hanggang kelan mo ba balak magtrabaho sa barko?
ANSWER: Pag 55years old na ako so may 5 years pa. Gods will
9. May naipundar ka na ba gaya ng bahay, lupa, negosyo o napagpatapos ng pag-aaral?
ANSWER: Bahay at lupa lang
10. Anong magandang karanasan mo sa mga Opisyales mo na pwede mong maibahagi sa iba?
ANSWER: May opisyal na may kunsiderasyon sa tao, may british na ganon
11. Kung papipiliin ka hahayaan mo ba ang mga anak mo na malayo din sa pamilya nila para magtrabaho sa ibang lugar?

paparty nila for my 50th birthday
 ANSWER: Hahayaan ko pa rin kasi kung iyon ang paraan para gumanda ang buhay.Tutal darating din ang araw na maghihiwahiwalay din kami.
12. Pinagsisisihan mo ba na nagtabaho ka sa abroad at napalayo ka sa pamilya mo?
ANSWER: Hindi, kasi iyon ang naging daan para matulungan ko sila at mabigyan ng maalwan na buhay di tulad ng aking naranasan
 13. Sa mga bansang napuntahan mo anong lugar ang sa tingin mo na dapat mapuntahan ng isang expat? bakit?
ANSWER: Canada or Australia kasi sa ngayon stable ang economy nila at the same time mas maganda ang job security ng OFW specially they respect human rights as well as their goverment
14. Bilang isang Seaman ano ang pinakamagandang karanasan ang naranasan mo sa barko?
ANSWER: Brasil chika babes he he he
15. Sa iyong palagay bakit ba madaming Pilipino ang nag aasam na makaalis ng ating bansa?
ANSWER: Mahirap ang bansa natin. Mas malaki ang oportunidad sa ibang bansa bukod sa mas malaki ang sahod.
16. Ano ang hinding hindi mo na malilimutan na sinabi sayo ng anak mo twing nagbabakasyon ka sa Pilipinas.
ANSWER: Hindi na naman kami Family kasi di kumpleto, wala ka.
17. Ano ang masasabi mo sa pagpapatupad ng compulsary PAGIBIG contribution?
ANSWER: May panget at maganda, una e pwersahan, it means they don't give you choice to balance if it will help you or not. Pangalawa just think of the bright side na meron kang naitatabing pera (wag lang sana nila lustayin)  na pag tanda mo e may benepisyo kang aasahan
18. Kung ikaw ang Presidente anong pagbabago ang gusto mong ipatupad para sa kapakanan ng mga Seaman/OFW?
ANSWER: Una itaas ang standard ng suweldo ng OFW,tutukan ang kapakanan nila lalo na sa karapatan pangtao
 19. Anong payo ang pwede mong ibahagi sa mga nagbabalak na umalis ng bansa?
ANSWER: Pag balak mong mag abroad una pilitin mong mag aral, makatapos para mas competitive ka sa iba, pag naroon ka na eh, be responsible keep and treasure all the penny you will earn. Sa pag aapply naman, be smart check first sa POEA if the agency is legal, baka mapeke. Pero first and foremost ay tumawag ka lagi sa taas for wisdom, guidance and blessings.
my wacky family


Alam niyo kung ano sa mga sagot ni Tito Renee ko ang tinamaan ako? Nung sabihin po nyang....

Pag balak mong mag abroad una pilitin mong mag aral, makatapos para mas competitive ka sa iba,pag naroon ka na eh be responsible keep and treasure all the penny you will earn.

Tama nga yan, may balak ka mang mag abroad o wala pilitin mong makatapos ng pagaaral. Base sa sarili kong karanasan, dito sa abroad isa yan sa tinitignan. Isa yan sa basehan kung lalaitin ka lang nila o hindi. Bakit ko naman ito nasabi...ranas ko kase.Kung gusto mong makapasok sa magandang trabaho meron at meron kang makakaharap na titignan ang qualifications mo. Hindi nila titignan yung kakayanan mo, sa kanila kase ang basehan para makakuha ka ng respeto at tiwala ay kung anong degree ang hawak mo. Okey lang kahit pana ka o pilipino ka basta may tinapos ka ok ka sa kanila. Hindi ko na naman po nilalahat, pero hihintayin mo pa bang mangayari ito sayo, hihintayin mo pa bang mapatapat sa isang superior na ito ang pamantayan nya sa buhay? Hindi syempre. Kaya sa inyong mga estudyante pa lang...hanggat may gustong tumustos sa pagaaral nyo gawin nyo na sikapin nyo na.. at kung dumating man ang panahon na hindi na nila kaya, sa sarili mong sikap pilitin mong makatapos. Pano mo nga naman tuturuan ang magiging mga anak mo na magaral ding mabuti kung ikaw mismo hindi mo yun ginawa.

Tito Renee, salamat po sa pagpapaunlak mo na mailathala dito sa blogsite na ito. Tulad ng nasabi ko na sa iyo sa Facebook, sasabihin ko ito ulit dito para malaman ng lahat. Masaya akong makita ang mga resulta ng paghihirap mo sa barko, ang makita ko ang mga naipundar mo at ang katayuan ng pamilya mo eh nagbibigay sa akin ng saya. Masaya ako na si Tita Cris and naging katuwang mo sa buhay. Mahirap ang tumayong ina at ama para sa 3 kong mga pinsan. Pero pinakita ni Tita Cris, na isa syang responsableng ina at maybahay. Hindi nya hinayaan na mapunta lamang sa wala ang paghihirap nyong magasawa. Proud din ako sayo Tito Renee kase hinayaan mo si Tita Cris na ipagpatuloy nya ang kanyang propesyon. Hinayaan mo syang  maging busy sa kanyang sariling propesyon. Yan naman ang sikreto para matawag din nating successful tayong mga OFW eh - yung magkaron ka ng maiiwanan sa Pilipinas na marunong humawak ng resources. Dahil gaano kalaki o kadalas man ang pagpapadala mo sa Pilipinas kung hindi lang din sila marunong humawak don, wala ring mangyayari. Magbabalikbayan ka lang ng parang walang nangyari.

Ewan ko, pero while writing this, naisip ko lang na kahit hindi ako naging beneficiary ng pinangakuan niyang patapusin ng pagaaral - i still want to thank him. I thank you Tito Renee for being the bread winner sa pamilyang Ultado. Thank you for not forgetting where you came from and thank you for not forgetting to send me a message whenever you are online. You still have 5 years to work as a seaman.. so please take care and try to erase in your mind yung answer mo sa Question #14. hehehehehehehe I love you Tito Renee and looking forward to see you all in God's perfect time.

Tuesday, November 13, 2012

MADALI BANG MAGING HOUSEWIFE? part 2

Bata pa lang ako, nasa isip ko na, na gusto kong magtrabaho. I remember nga one of my cousin told me, diba bata ka pa lang gusto mo na talagang magtrabaho kung ano2 nga tinitinda mo noon. Tama naman sya. Sa murang edad ko noon hindi ko pinangarap na ma tengga lang sa bahay, yan talaga ang na isip ko, gusto kong magtrabaho, i want to be a working mom someday. Panganay po ako sa 4 na magkakapatid, yung 2 na sumunod po sa akin ang mga naunang nag asawa sa maagang edad. Si Maybelle ang unang nagka asawa sa amin, dati syang regular employee ng Penshoppe Festival Mall. Nung sya'y magasawa na, iniwan nya ito at naging full time housewife na. Noong una eh nanghinayang ako, sa isip2 ko ang hirap hirap na kaya ngayong ma regular dito tapos pinili nyang magstay lang sa bahay.  Pero, bumilib naman ako sa kanya kase alam ko na hindi madali ang maging isang HOUSEWIFE. Buti na lang marunong syang magluto eh ako, naku hindi ko kako kaya yan kase nga unang una sa lahat ni hindi nga ako marunong magsaing. Nakita ko kung pano nyang ipaglaba si Jojo ( ang late husband nya ), ipagplantsa ng mga damit at ipagluto. Nakikita ko din kung paanong ihanda ni Maybelle ang damit pamasok ni Jojo. Promise akala ko nga nung una eh sa pelikula lang yun ganon. Eh kahit pala sa totoong buhay, ganon. Nakalagay na dyan sa kama yung plantsadong pantalon at polo, medyas, brief at panyo...nakakatuwa diba.
Ayan po ang hindi pumasok sa aking isipan.. ang maging isang housewife. Ang gusto ko ay magtrabaho...
at ayan na po ako ngayon, a working mom para sa aking 3 anak, a working daughter para sa aking nanay at daddy and a working wife para sa aking hubby.

Para po sa akin hindi madali ang maging isang HOUSEWIFE. Ako mismo inaamin kong, napaka laki ng pag hanga ko sa kanila, as in. Ano ba ang ginagawa nila sa bahay, nakikipagchismisan lang ba sa kapitbahay o nakakababad lang sa teleserye o facebook. Maaring may ilang ganyan pero ang sinasabi ko dito ay yung mga maybahay talaga na maybahay talaga ang dating. Sa tingin mo madali bang magisip ng lulutuing pagkain sa almusal, tanghalian at hapunan. Mahirap yun ha masakit yun sa ulo. Just want to site an example, noong ako'y nagtatrabaho pa sa binguhan na kadalasan ay nasa loob ng mall, sa dinami dami ng food stall sa food court ang hirap magisip ng kung ano ang kakainin ko. Araw2 na lang ganon...Eh lalo pa kaya yung ikaw ang magprepare nung pagkain 3x a day. Abah.... ibang usapan yan. Swerte na siguro nung mga housewife na may understanding na mister na kung ano ang tanghalian yun na din hanggang gabi... like kami. Pag nagluto ang nanay ko, kung ano yung tanghalian namin yun na din hanggang gabi, tipid sa pagod at gasul. Isang lutuan na lang kung baga. Hindi din madaling maglaba ha, kahit may washing machine hindi po madali yun. Akala ng iba may washing naman kaya na nya yun...Dyan po tayo nagkakamali. Tayong mga nandito sa abroad medyo madali dali pa kase pati anlaw sa washing din. Ako kaya, kaya ako nagka prublema sa likod ko dahil sa paglalaba. Yung pagbabanlaw ko kase sa Pinas hindi from washing machine, ang gagawin ko pupunuin ko ng tubig yung mga timba nakahilera yan tapos dun ako banlaw ng banlaw. One pail after another, yan ang style ko noon, eh nung minsang pagyuko ko.. plok. Aruy koooo!!!! hindi ko na kaya naituwid yung likod ko noon... as in parang yung mga oldies hindi makabend ng maayos.. ang sakit naman talaga. Kaya hanggang ngayon yan ang prublema ko, ang likod ko. What else, abah ang pagpaplantsa..uy hindi yan madali ha. Ang init kaya nyan nakakapagod nakatayo ka ng kung ilang oras, may oras pa na ang hirap plantsahin ng isang damit, ilang beses mo ng pinadaan eh lukot pa din, meron pa yung mga ang daming fleets na damit nakuuuuu naloloka ako sa ganyang planstahin, isama mo pa yung pantalon na may piston... grrrrrrrr pikon na pikon ako dyan. Akala ng marami porke hindi nagtatrabaho si misis pahiga higa na lang ito, patanggap tanggap na lang ng sahod ni mister. O ayan, isa pa yan. Ang hirap kaya mag budget ng pera, ang sakit sa ulo ng bayad dito, bayad doon, padala dito, padala doon, minsan nga ang dami mo pang babayadan pero wala ka na palang pambayad. ( nakaka relate ako dun ) Akala kase nila porke nasa bahay lang daw si misis patulog tulog na lang daw, ayun ang akala natin. Paano kang makakatulog ng maayos kung nakikita mong isang bundok na naman ang labahin mo, paano ka matatahimik kung makikita mong ilang basket na ang plantsahin mo, paano kang makaka relax kung kakalinis mo lang ang gulo2 na naman, paano ka makakapahinga kung pudpod na yung basahan mo, ang dami na namang alikabok, paano kang makaka idlip man lang kung pahiga ka na sana eh pagbisita mo sa kusina baso lang hindi pa nahugasan. Paano kang makakatulog ng maayos kung ang sakit na ng likod mo sa kakagawa. Ano ang reaction niyo kung pagdating nyo sa bahay abutang nakahiga si misis o si mommy. Dahil kaya yun sa patulog tulog lang sya or pabanjing banjing nga lang. O baka kaya nakahiga na kase pagod na sya at kailangan lang nyang huminto saglit. Sa mga mister, nakita mo bang parang di na pantay maglakad si misis bakit hindi natin masahiin kahit saglit lang. Sa ating mga anak, kung makita nating napaupo nalang si mommy sa sofa ( maybe sa pagod ) nilambing ba natin siya? Ang housewife ang pahinga nya pag tulog na ang lahat. Na appreciate mo ba na una pa syang nagising sayo para ipaghanda ka ng makakain? Na pansin mo din ba na tulog na ang lahat, si housewife gising pa para tapusin pa ang mga tirang gawain. Ngayon...madali ba ang maging isang housewife. Para po sa akin...HINDI. HINDI MADALI ANG MAGING ISANG HOUSEWIFE. 


The Q&A portions in this blog are all done online. Meaning i send them the questions through FB or their email addresses, in return they reply through online din. So, i just want to include this message i got from my housewife #2 ...

( copy paste, as in this is the exact message )
Michelle: Ate Terry... kung naiyak ako at na touch kay ate anabel, natuwa din ako sau and na touch. I like your last sentence.. maging masaya tayo na pinagsisislbihan ang ating mga mahal sa buhay we should face the reality that this is what GOD calls us to do. yung iba po kase burden para sa kanila yung pagsilbihan ang pamilya nila... yung tipo po na ipag plantsa mo lng ng 2 pantalon, prang pasan mo na ang daigdig hehehehehe lets face it totoo yun. madaming ganon. pero thank God po sa pag payag nyo na ma include sa blog ko.madami pong pdng matutunan sa mga pinahayag nyo ni ate anabelle. God bless you all.
SIS. Theresa Alvarado : Sa totoo lang sis diko alam umpisahan, kung ano ang sasabihin ko sa iyo inisip ko nlang nasa harapan kita nagkukuwentuhan tayong dalawa. sa mga iba its really a burden to them kasi iba ang kanilang pananaw, feeling nila kasi katulong ang dating nila. Noon ganyan ang pananaw ko talagang di ko matanggap na nasa bahay lang ako dahil nasanay nga akong nagtatrabaho. Na-meet ko kasi si Freddie sa first job ko sa Laguna i'm the secretary of the company, then lumipat ako sa Saint Paul College of Manila, then China Banking Corp. sa Makati bago ako napunta ng Taiwan. I want to strive that time kasi gusto kong pag-aralin ang kapatid kong bunso, kaya nagtampo talaga ako sa Panginoon nung nagpunta ako dito at di man lang Nya ako pinagbigyan sa hiling kong makapagtrabaho. Pero may taong pinadala ang Panginoon to give me advice.... at unti-unti kong naintindihan ang mga pangyayari. Nabago ang pananaw ko at unti-unti kong natanggap ang pagkatawag sa akin ng Panginoon to serve my family at ito pala yong pinaka the best na ibigay sa ating pamilya... tayo yong nakakagawa ng kanilang mga pangangailangan. Salamat din sa Panginoon kasi kahit hindi ako nakapagtrabaho He PROVIDES ALL OUR NEEDS, hindi kami nangkulang sa aming mga financial kahit di kalakihan ang sahod ni Freddie di kami nakautang. Ganun talaga kumilos ang Panginoon sa aming buhay. Kaya kelangan lang talaga nating magtiwala sa Kanya ng lubusan.

Bakit ko po ba ito gustong isama dito? Iisa lang naman ang sagot ko dyan lagi, dito pa lang madami ka ng matutunan sa mga sinabi ng housewife #2 natin. Hindi nya ikinaila na minsang nagtampo na din sya sa ating Panginoon pero tunay nga po na may mga gagamiting mga tao, mga kapatid sa Panginoon, na mag bibigay sa atin ng mga words of encouragement, ng mga godly advices...Alam ng Panginoon ang ating mga pangangailangan. Hindi Niya kailanman tayo pababayaan. And true... GOD WILL PROVIDE ALL OUR NEEDS. Sa totoo lang naiiyak ako habang ginagawa ko ito, kase totoo yun naman ang hangarin nating lahat ng nasa abroad ang makatulong sa pamilya natin. Ako, hindi ko tinatago na, hirap kami ngayon. As in naiisip ko nga bakit kung kailan nasa abroad ako, nararanasan ko ang mga ganitong pagsubok. Yung WW, ( word of the day natin yan. nalaman ko yan kay Kuya Chubby Santos, isang kapatiran din sa FLCC ) ano ba yung WW... Walang Wala ayun yun. hahahaha Totoo po, yan ang katayuan namin ngayon, pero yan ang kaibahan ng may Diyos ka sa puso mo, hindi ka masyadong nangangamba, kase alam mong ang daming pangako ng Panginoon. Hindi ka nawawalan ng pagasa kase alam mo He is a God of Hope. Hindi ka matatakot kase you know that He will make a way. Pero bilang isang ina, hindi ko maiaalis yung umiyak, at malungkot kase hindi ko maibigay yung ginhawa na pinangarap ko para sa kanila nung magdesisyon akong umalis. Pero alam ko, malalampasan din namin ito. And excited na ako sa araw na yun na masasabi ko na i made it through the rain.... ayun oh kanta yun db?!

may i now present to you....
Housewife #2 - Theresa de Vera Alvarado

Theresa De Vera Alvarado or Terry for short is a mother of 2 namely Ayra & Dj, and she is a certified housewife! She is married to Freddie Alvarado, an architect and is a native of Baguio City. They are an active member of Alpha & Omega Church.

the alvarado family
       
1. Simula ba ng magasawa ka ay housewife ka na? O dati kang nagtatrabaho then decided to stay na lang sa bahay?
ANSWER:The time I accepted the proposal of Freddie to get married,  year 2000 ay kauuwi ko lang galing Taiwan and Freddie is only 8 months here in Kuwait. I want to go to Taiwan again but i have to change my name and Freddie didn't allow me. Kaya we decided to get married para madala nya ako dito agad sa Kuwait to live with him and at the same time to work here, unfortunately i wasn't able to go here dahil nabuntis ako kaagad. So i stayed in Pangasinan for 3 1/5 years. Dinala nya kami dito last September 2004 visit visa pa kami noon ni Ayra Jane. Pagdating namin dito sa Kuwait naghanap na ako kaagad ng trabaho before pa ma-expire ang visa ko pero hindi ako natanggap hanggang nag-expire na ang visit visa namin ni Ayra Jane kaya nag-apply na si Freddie ng dependent visa para di na kami umuwi. Kahit dependent visa na ang visa ko hindi pa rin ako humintong mag-apply ng trabaho pero wala pa ring tumanggap sa akin.

2. Is your being a housewife your own choice or you are just being submissive to what your husband wants?
ANSWER:Si Freddie okay lang naman sa kanya na magtrabaho ako o sa bahay lang. Pero nung nabuntis ako kay DJ nakiusap sya sa akin na huwag na muna akong maghanap ng trabaho mag-alaga na lang ako ng aming mga anak. Sa totoo lang ayaw kung maging plain housewife HATE ko talaga sa bahay, pero dahil na rin sa walang tumatanggap sa akin at mahirap maghanap ng mag-aalaga sa mga bata nag-stay ako sa bahay. Dahil dito nagtanong ako sa Panginoon kung naririnig ba Nya ang mga prayers ko kasi walang katugunan. Napagtanto ko ngayon na ang plano ng Panginoon ay mas maganda kaysa sa iniisip ko noon.

3. What is your daily routine?
ANSWER:Daily routine ko early in the morning 5:30am prepare ako ng breakfast for Freddie & DJ, luto na rin ako ng baon ni Freddie, at paliliguan ko si DJ. Pag-alis nila ng 6:45am magsasalang ako ng labahan while waiting balik ako sa higaan bangon ako ng 10:00am breakfast kami ni Ayra tapos luto ako for lunch, pagdating si DJ ng 12:30pm pakakainin ko sya, mag-aaral kami tapos patutulugin ko sya. Sa hapon mamamalantsa ako. Prepare for merienda at magluluto uli ng dinner dahil darating si Freddie ng 6:00pm. Sometimes sa gabi we do the groceries.

4. Are you cooking? If yes, anong luto mo ang alam mong mapapasarap ang kain ni mister at ng mga bata?
ANSWER: Yes, I love to cook. Pinakbet ilocano ang gustong-gusto nila lalo na pag ang sahog ay karne ng baboy. Mahilig kasi ang asawa ko at mga anak ko sa gulay.
very violet...

 5. Pwede mo ba ishare ang recipe na yan?
ANSWER:
Simpleng recipe lang, lutong probinsya. Kung pano ang luto ng iba ganon din yung sa akin.

6. Para sa iyo ano ang pinakamahirap na gawaing bahay?
ANSWER: Para sa akin ang pinakamahirap na gawaing bahay ay ang pagpaplantsa. Masakit sa likod at paa kasi nakatayo ako pag namamalantsa di ako sanay na nakaupo.

7. Dumating na ba sa isip mo na gusto mo naman magtrabaho? If yes, bakit you still chose to stay at home?
ANSWER:Hindi nawala sa isip ko ang maghanap ng trabaho talaga ever since Diether John is still small, gaya ng sinabi ko gustong-gusto kong magtrabaho dahil hindi lang pamilya ko ang gusto kong bigyan ng magandang buhay gusto ko ring magbigay sa aking magulang at mga kapatid na nangangailangan ng financial support, nakakahiya kasi sa asawa ko kung lahat iaasa ko sa kanya pati pangangailangan ng mga kapatid at magulang ko. Kahit na hindi nagsasalita ang asawa ko dumarating yong time na nahihiya akong mag-open sa kanya. Ngunit di ko alam kung bakit di agad tinugon ni Lord ang aking panalangin.That time alam ko may gustong baguhin si Lord sa buhay ko hanggang naipasa ko ang pagsusulit na iyon in His right time He gave me a job sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Isa ako sa itinalaga Nyang mag-supervise ng mga bata sa homeschool at na-e-enjoy ko rin dahil nadadagdagan ang aking kaalaman at ang maganda dun kasama ko ang aking anak na si Ayra at sa susunod na taon maybe DJ will join us also. Sa ngaun masasabi ko na iba talagang magpala ang Panginoon. Ngayon ko napagtanto yong sa Jeremiah 29:11 God says "I KNOW WHAT I AM PLANNING FOR YOU...."I HAVE A GOOD PLANS FOR YOU, NOT PLANS TO HURT YOU. I WILL GIVE YOU HOPE AND A GOOD FUTURE"... We may feel we are facing impossible situation but the Bible says in Ephesians 3:20 "GOD .... IS ABLE TO DO MORE THAT WE WOULD EVER DARE TO ASK OR EVEN DREAM OF..... INFINITELY BEYOND OUR HIGHEST PRAYERS, DESIRES, THOUGHTS, OR HOPES. I REALLY THANK GOD...

8. Akala ng iba, pabanjing banjing lang daw ang mga housewife. Agree ka ba dun? at bakit? 
ANSWER:Housewife is a very tough task, pag nasa bahay ka kasi di maubos-ubos ang trabaho, kaya kelangan ikaw ang tumigil, ang masasabi ko lang depende sa gumagawa nito, how you value your work as a housewife.

9. Pagkatapos ng mga gawaing buhay mo, ano ang unang una mong ginagawa?
ANSWER: Pagkatapos kung gawin ang mga gawaing bahay, humihiga ako at nakikinig ng praise songs, sometimes nag-o-open ng facebook, minsan naman nanunuod ng tv, o di kaya naglilinis ng mga nails o minsan naman ginagawa ko yong cross stitch ko, ito ang mga gustong-gusto kong gawin pag tapos na ang gawaing bahay.

10. Bilang isang plain housewife meron ka bang gustong ishare sa iba, advice, tips, memories, experiences etc...
ANSWER:Ang mapapayo ko lang sa mga kababaihan na plain housewife na katulad ko, we must be proud of it dahil ito talaga ang pagkatawag sa atin ng ating Panginoon. Maging masaya tayo na pinagsisilbihan ang ating mga mahal sa buhay we should face the reality that this is what GOD calls us to do.


with my loving husband
To Sis.Terry Alvarado, salamat po sa pagpapaunlak mo sa Q&A portion ko na ito... nakakatuwang balik balikang basahin ang mga sagot nyo sa bawat tanong ko. Although hindi ako isang housewife pero nakikita ko ang sarili ko sa inyo. Sa paanong paraan naman..? Well, like sa inyo ni Sis. Anabelle pareho-pareho tayong hirap sa pagpaplantsa..magkaka classmates tayo dyan. As in hard na hard yan for me kase tama ka Sis. Terry masakit yan sa likod at sa paa. Eh lalo na sa akin kase may diprensya ako sa likod ko. Pero, alam nyo ba yung feeling na kahit mahirap at ayaw na ayaw mo yung bagay na yun pero pag ginagawa mo yun para sa mahal mo sa buhay pagkatapos mong matapos ang tambak na plantsahin parang ang ginhawa pa sa pakiramdam.Ano pa ba? Hmmm natawa ako actually sa sagot mo Sis. Terry na ayaw mong maging plain housewife hate mo sa bahay... hahahaha ako din bata pa lang ako nagtatrabaho na ako kaya bata pa lang ako nabuo na sa isip ko na, ayokong mag stay lang sa bahay, kailangan kong magtrabaho, kumayod. 
Well, sya po ang ating housewife #2 kung sino pa po ang sususunod na malalathala...abangan na lamang po. 






Wednesday, October 24, 2012

OBSESSED

OBSESSED
All's fair when love is war.

Derek Charles (Idris Elba) is the Executive Vice President of Gage Bendix, a finance company. Derek and his wife, Sharon (Beyoncé Knowles) have an infant son, Kyle (Nathan and Nicolas Myers). While at work, Derek briefly flirts with temp Lisa Sheridan (Ali Larter), who later attempt to seduce him throughout the film. Derek repeatedly rejects her, but Lisa continues to advance on him, and attempts to have sex with him at the no-spouse Christmas party and flashes him in his car. Derek intends to report Lisa to his firm's human resource management, but learns that she has quit her job. Derek and his workmates visit a resort for a conference, where he spots Lisa. He confronts her, who spikes his drink. Incapacitated, Derek is somewhat helpless when Lisa follows him into his hotel room and kisses him. He confronts Lisa again the following day, and hours later discovers her lying in his bed after attempting suicide through drug overdose. After repeated attempts to reach Derek on his phone, Sharon finds Derek at the hospital, and suspects that he and Lisa had an affair, as Lisa claims. Detective Monica Reese (Christine Lahti) questions Derek and becomes skeptical of Lisa's claims, and informs Derek of her belief in him. Sharon kicks Derek out of their house, and Derek moves into a separate apartment.
While Derek and Sharon are dining out, Lisa breaks in their house and tricks the babysitter Samantha (Scout Taylor-Compton) into letting her in under the pretense of being one of Sharon's friends, and flees with Kyle. When Derek and Sharon return home after dinner, they discover that Kyle has been abducted. Derek goes to his car with the intent to pursue Lisa, only to find Kyle sitting safely in the back seat. Derek and Sharon immediately take Kyle to the hospital for a check-up. When Derek and Sharon return home after checking-up Kyle, they find Lisa has trashed their bedroom and removed Sharon's face from their family portrait. Sharon leaves a threatening voice message on Lisa's phone, and she and Derek set up a home alarm system. Lisa learns that Derek and Sharon will be away from town, with Sharon leaving that afternoon and Derek the next day. While Sharon is on her way to pick up Kyle, she realizes that she forgot to set the alarm system and returns home. Meanwhile, Lisa breaks into Derek and Sharon's house again and decorates the master bed with rose petals. While setting the alarm, Sharon hears Lisa in the bedroom. Sharon tells Lisa that she is calling the police, but Lisa proves to be far stronger and more dangerous than she anticipated and easily tackles her to the floor and Sharon and Lisa engage in a fistfight. Sharon is aggressive and uses her size advantage while Lisa targets Sharons throat. Lisa gains the upper hand by elbowing Sharon in the face and attempting to force her over the stair banister while choking her with both hands. In desperation, Sharon lunges forward and Sharon and Lisa engage in a struggle where Lisa, refusing to let go of her throat manages to overpower and wrestle Sharon down the stairs, temporarily knocking her out. Derek calls his house and Lisa answers and later calls Detective Reese and immediately leaves his office.
Lisa runs to the attic, and Sharon pursues her. Sharon leads Lisa to a weak spot in the attic floor, where Lisa falls through. Sharon reaches out and attempt to take Lisa's hand to lift her up, but Lisa pulls Sharon down with her instead of accepting her help. Seeing that the floor is starting to buckle, Sharon pries Lisa off of her arm. Lisa falls onto a chandelier, breaking her fall, but lets go and falls onto the glass table below. Lisa opens her eyes, only to have the chandelier fall, which finally kills Lisa. Derek and Detective Reese arrives as Sharon comes out of the front door of the house. The film ends when Derek and Sharon embrace each other as Detective Reese enters their house to investigate Lisa's actions.

MY PERSONAL RATING : 8 stars

Another secular film that i considered worth sharing to you guys. This film may have received negative reviews from critics pero for me OK na OK sya sa akin. Ang ganda! Ang galing! Sabi ko nga sana ganyan ang mga men, gagawin ang lahat para umiwas sa tukso. Sa mga misis... watch this film with your hubby.

Thursday, October 4, 2012

FOR YOU FROM HIM

As i was doing the finishing touch of my entry yesterday, an idea just popped in! And that is...  why not ask a couple of questions para sa mga husband ng featured HOUSEWIVES natin.

So here it is...para po sa ating Housewife #1 - Sis. Annabelle Parafina Arciaga FOR YOU FROM HIM


1. Si Annabel ay dating career woman, ano ba ang kaibihan / advantage kung si misis ay mag stay lang sa bahay kaysa sa si misis ay nagtatrabaho?

ANSWER:
Si Belle ay may magandang banking career back in the Philippines. She had the opportunity to work in different departments inside their company, very supportive ang mga officemates nya and she can work even under pressure, without seeing her na nangangarag. Pero that time we don't have a lot of bonding time with the family and also less time in meeting our brethren. Unlike today, we really treasure our time spending together with the kids and in serving our Lord. Maganda rin kasi na nasa bahay sya at nakakapagpahinga in terms of “company pressures” at the same time nakakapag-focus kami ng maayos sa family at sa ating panginoon. But if it is the will of God na makapagtrabaho sya, I know God will also provide a good timing and schedule para di mapabayaan ang family.

2. Special message kay Sis. Annabelle para sa pagpili nya sa larangan ng pagiging housewife.

ANSWER:
Mahal “yun and tawag ko sa kanya”, I really appreciate your dedication in choosing your new career. I know mahirap talaga nung una, dahil sa malaking adjustments ang kailangan, but God enables you to handle it. I love you and continue in serving the Lord.

I guess most of us are familiar with the book The Purpose Driven Life... in that book Author Rick Warren said that, the best way to spell LOVE is T - I - M - E. So para po sa atin na mga working mom's like what Bro. Doddie said, God will provide for a good timing and schedule para di natin mapabayaan ang ating family, and kailangan po natin iyang ipag pray.  Hindi masamang maging career woman si mommy o si wifey and importante po dun ay alam  nating balansihin ang oras natin. Pag nasa bahay na po tayo, hindi na po tayo Mc Donald's crew, Manager ng company, or what... sa bahay po tayo ay isang ina at asawa.

Wednesday, October 3, 2012

MADALI BANG MAGING HOUSEWIFE? part 1

Bata pa lang ako, nasa isip ko na, na gusto kong magtrabaho. I remember nga one of my cousin told me, diba bata ka pa lang gusto mo na talagang magtrabaho kung ano2 nga tinitinda mo noon. Tama naman sya. Sa murang edad ko noon hindi ko pinangarap na ma tengga lang sa bahay, yan talaga ang na isip ko, gusto kong magtrabaho, i want to be a working mom someday. Panganay po ako sa 4 na magkakapatid, yung 2 na sumunod po sa akin ang mga naunang nag asawa sa maagang edad. Si Maybelle ang unang nagka asawa sa amin, dati syang regular employee ng Penshoppe Festival Mall. Nung sya'y magasawa na, iniwan nya ito at naging full time housewife na. Noong una eh nanghinayang ako, sa isip2 ko ang hirap hirap na kaya ngayong ma regular dito tapos pinili nyang magstay lang sa bahay.  Pero, bumilib naman ako sa kanya kase alam ko na hindi madali ang maging isang HOUSEWIFE. Buti na lang marunong syang magluto eh ako, naku hindi ko kako kaya yan kase nga unang una sa lahat ni hindi nga ako marunong magsaing. Nakita ko kung pano nyang ipaglaba si Jojo ( ang late husband nya ), ipagplantsa ng mga damit at ipagluto. Nakikita ko din kung paanong ihanda ni Maybelle ang damit pamasok ni Jojo. Promise akala ko nga nung una eh sa pelikula lang yun ganon. Eh kahit pala sa totoong buhay, ganon. Nakalagay na dyan sa kama yung plantsadong pantalon at polo, medyas, brief at panyo...nakakatuwa diba.
Ayan po ang hindi pumasok sa aking isipan.. ang maging isang housewife. Ang gusto ko ay magtrabaho...
at ayan na po ako ngayon, a working mom para sa aking 3 anak, a working daughter para sa aking nanay at daddy and a working wife para sa aking hubby.

Para po sa akin hindi madali ang maging isang HOUSEWIFE. Ako mismo inaamin kong, napaka laki ng pag hanga ko sa kanila, as in. Ano ba ang ginagawa nila sa bahay, nakikipagchismisan lang ba sa kapitbahay o nakakababad lang sa teleserye o facebook. Maaring may ilang ganyan pero ang sinasabi ko dito ay yung mga maybahay talaga na maybahay talaga ang dating. Sa tingin mo madali bang magisip ng lulutuing pagkain sa almusal, tanghalian at hapunan. Mahirap yun ha masakit yun sa ulo. Just want to site an example, noong ako'y nagtatrabaho pa sa binguhan na kadalasan ay nasa loob ng mall, sa dinami dami ng food stall sa food court ang hirap magisip ng kung ano ang kakainin ko. Araw2 na lang ganon...Eh lalo pa kaya yung ikaw ang magprepare nung pagkain 3x a day. Abah.... ibang usapan yan. Swerte na siguro nung mga housewife na may understanding na mister na kung ano ang tanghalian yun na din hanggang gabi... like kami. Pag nagluto ang nanay ko, kung ano yung tanghalian namin yun na din hanggang gabi, tipid sa pagod at gasul. Isang lutuan na lang kung baga. Hindi din madaling maglaba ha, kahit may washing machine hindi po madali yun. Akala ng iba may washing naman kaya na nya yun...Dyan po tayo nagkakamali. Tayong mga nandito sa abroad medyo madali dali pa kase pati anlaw sa washing din. Ako kaya, kaya ako nagka prublema sa likod ko dahil sa paglalaba. Yung pagbabanlaw ko kase sa Pinas hindi from washing machine, ang gagawin ko pupunuin ko ng tubig yung mga timba nakahilera yan tapos dun ako banlaw ng banlaw. One pail after another, yan ang style ko noon, eh nung minsang pagyuko ko.. plok. Aruy koooo!!!! hindi ko na kaya naituwid yung likod ko noon... as in parang yung mga oldies hindi makabend ng maayos.. ang sakit naman talaga. Kaya hanggang ngayon yan ang prublema ko, ang likod ko. What else, abah ang pagpaplantsa..uy hindi yan madali ha. Ang init kaya nyan nakakapagod nakatayo ka ng kung ilang oras, may oras pa na ang hirap plantsahin ng isang damit, ilang beses mo ng pinadaan eh lukot pa din, meron pa yung mga ang daming fleets na damit nakuuuuu naloloka ako sa ganyang planstahin, isama mo pa yung pantalon na may piston... grrrrrrrr pikon na pikon ako dyan. Akala ng marami porke hindi nagtatrabaho si misis pahiga higa na lang ito, patanggap tanggap na lang ng sahod ni mister. O ayan, isa pa yan. Ang hirap kaya mag budget ng pera, ang sakit sa ulo ng bayad dito, bayad doon, padala dito, padala doon, minsan nga ang dami mo pang babayadan pero wala ka na palang pambayad. ( nakaka relate ako dun ) Akala kase nila porke nasa bahay lang daw si misis patulog tulog na lang daw, ayun ang akala natin. Paano kang makakatulog ng maayos kung nakikita mong isang bundok na naman ang labahin mo, paano ka matatahimik kung makikita mong ilang basket na ang plantsahin mo, paano kang makaka relax kung kakalinis mo lang ang gulo2 na naman, paano ka makakapahinga kung pudpod na yung basahan mo, ang dami na namang alikabok, paano kang makaka idlip man lang kung pahiga ka na sana eh pagbisita mo sa kusina baso lang hindi pa nahugasan. Paano kang makakatulog ng maayos kung ang sakit na ng likod mo sa kakagawa. Ano ang reaction niyo kung pagdating nyo sa bahay abutang nakahiga si misis o si mommy. Dahil kaya yun sa patulog tulog lang sya or pabanjing banjing nga lang. O baka kaya nakahiga na kase pagod na sya at kailangan lang nyang huminto saglit. Sa mga mister, nakita mo bang parang di na pantay maglakad si misis bakit hindi natin masahiin kahit saglit lang. Sa ating mga anak, kung makita nating napaupo nalang si mommy sa sofa ( maybe sa pagod ) nilambing ba natin siya? Ang housewife ang pahinga nya pag tulog na ang lahat. Na appreciate mo ba na una pa syang nagising sayo para ipaghanda ka ng makakain? Na pansin mo din ba na tulog na ang lahat, si housewife gising pa para tapusin pa ang mga tirang gawain. Ngayon...madali ba ang maging isang housewife. Para po sa akin...HINDI. HINDI MADALI ANG MAGING ISANG HOUSEWIFE.

Below are the questions that i prepared para sa mga housewife na nais kong ifeature.

1. Simula ba ng magasawa ka ay housewife ka na? O dati kang nagtatrabaho then decided to stay na lang sa bahay?

2. Is your being a housewife your own choice or you are just being submissive to what your husband wants?

3. What is your daily routine?

4. Are you cooking? If yes, anong luto mo ang alam mong mapapasarap ang kain ni mister at ng mga bata?

5. Pwede mo ba ishare ang recipe na yan?

6. Para sa iyo ano ang pinakamahirap na gawaing bahay?

7. Dumating na ba sa isip mo na gusto mo naman magtrabaho? If yes, bakit you still chose to stay at home?

8. Akala ng iba, pabanjing banjing lang daw ang mga housewife. Agree ka ba dun? at bakit?

9. Pagkatapos ng mga gawaing buhay mo, ano ang unang una mong ginagawa?

10. Bilang isang plain housewife meron ka bang gustong ishare sa iba, advice, tips, memories, experiences etc...


HOUSEWIFE #1 - Annabelle Parafina Arciaga

Sis. Anabelle is a graduate of University of the East Caloocan. She once worked in Allied Banking Corporation as an FX Processor. Anabelle is a certified housewife, a mother of 2 lovely girls and happily married to Bro. Doddie Arciaga. Both are an active worker of FLCC Abundance Church.



our latest family picture


1. Simula ba ng magasawa ka ay housewife ka na? O dati kang nagtatrabaho then decided to stay na lang sa bahay?
ANSWER: Nope, I once had a flourishing banking career back in the Phils. Hindi natural for me ang maging housewife, careerwoman ako before. When Doddie got me and the kids to join him here in Kuwait (Oct2009), we thought I'd rest for a while and when we are all settled I will work again. Besides, you know how hard it is for a family to live on a single income. But then the Lord has other plans, hindi Nya ako binigyan ng job so we could focus on serving Him as a family.

2. Is your being a housewife your own choice or you are just being submissive to what your husband wants?
ANSWER: Siguro both, I personally chose to be submissive as a wife and then later on I realized it's also submitting to Lord's will in my life. You know naman from my testimony na God gave us the means to more than survive financially. Binigay Nya ung income na pinagpi-pray namin before mag-asawa na pag nag-work kaming dalawa ganung income yung mari-receive namin..actually more than pa nga. God is really good! So nung binigay Nya yung blessing na yun, na-realize ko, ayaw Nya akong pagtrabahuhin talaga.

3. What is your daily routine?
ANSWER: In the morning I have to prepare for Doddie and the kids kasi lahat sila pumapasok na. Then when I'm all by myself, I spend time with God through my daily devotion.. Tapos anything goes na yun, clean, cook, wash the clothes, plantsa..Syempre may time din to surf the net, I need it para di ako ma-bore.

4. Are you cooking? If yes, anong luto mo ang alam mong mapapasarap ang kain ni mister at ng mga bata?
ANSWER: Dito na lang ako sa Kuwait natuto magluto pero yung mga ordinary dishes lang. Para lang may makain ang buong pamilya at di magutom hehehe. Favorite ng lahat ang sinigang.


5. Pwede mo ba ishare ang recipe na yan?
ANSWER: Nothing special naman sa luto ko, same basic recipes lang din na natutunan from friends/colleagues.

6. Para sa iyo ano ang pinakamahirap na gawaing bahay?
ANSWER: For me, pinakamahirap ang magplantsa..Of all the household chores, sya lang ang di mo pwedeng iwanan. Maglaba ka pwede mo iwan ang washing machine, magluto may waiting time din pero ang plantsa dapat devoted ka talaga sa kanya or else sunog ang mga damit.

7. Dumating na ba sa isip mo na gusto mo naman magtrabaho? If yes, bakit you still chose to stay at home?
ANSWER: To be honest, yes! A couple of times sumasagi sya sa isip ko. But when I think of what God has given us, parang nahihiya ako sa Kanya for still wanting more. Kaya ngayon accepted ko na yung situation ko and kung darating man yung time na bigyan ulit ako ng opportunity ng Lord na makapagwork, why not? It's His call.

8. Akala ng iba, pabanjing banjing lang daw ang mga housewife. Agree ka ba dun? at bakit?
ANSWER: I don't agree with that. Na-experience ko na both worlds, yung working and staying at home. Actually, kung hirap din lang mas mahirap sa bahay..24/7 ang duty mo as a wife/mother unlike sa work na fixed hours lang di ba? Yun nga lang, sa bahay you get to serve the people you love kaya mas fulfilling sya, di kayang tapatan ng anumang materyal na bagay.

9. Pagkatapos ng mga gawaing buhay mo, ano ang unang una mong ginagawa?
ANSWER:  I rest..I make it a point kasi to do my household chores kapag mag-isa lang ako para I get to spend time with my family pag nasa house na sila.

10. Bilang isang plain housewife meron ka bang gustong ishare sa iba, advice, tips, memories, experiences etc...
ANSWER: Pwede bang special housewife naman, lagi na lang kasing plain housewife e hehehe. In my case, God has made me embrace a new life far different from what I used to have in the Phils. Ibang-iba pala talaga pag kayo lang as a family, we used to live with my parents kasi in the Phils. He taught us to lean on Him, to depend on Him kasi dito malayo tayo sa ating support system (yung family). Pero the good thing naman, we found another family, yung ating church family. Advice ko siguro sa ibang housewife like me is to learn to enjoy and be content with what God has given you for the moment. Hindi lahat nabibigyan ng opportunity na ganito na we have the time to spend with our loved ones. We are able to take care of them, see the kids as they grow and still have enough strength to give our husbands the TLC they need. More importantly, we should spend time with the Lord. Serve Him truly with the time He has given us. Wala tayong duty hours, so anytime God calls us to serve Him, yella, Go


with Bishop Jun Nones

To Sis. Anabelle, saludo ako sayo! Mabrook! At salamat din sa iyong pagpapaunlak. You're housewife #1 abangan po ang mga sususunod na mailalathala ng inyong lingkod.















Tuesday, October 2, 2012

YOU DONT FIT IN

Yesterday as i was staring the computer i wanted to start on a topic that i dont know how to start... Ha? Ano yun? Pano yun? Well, gusto ko kase i share yung ano ba ang feeling ng minamaliit ka. Have you experienced na maliitin ka?! OO nman. Lalo na dito sa ibang lugar, kadalasan nga kahit tayong mga Pilipino din may ugaling ganito minamaliit natin yung ibang lahi lalo na yung mga PANA, pati na din yung mga kamukha nila, pati na din yung mga taga bundok na ipis na sinasabi natin... Ang tanong dun is... WHY? Porke ba minamaliit din tayo ng mga lokal dito ganon na din tayo. Naranasan na nga nating tratuhin ng hindi pantay ganon din ba dapat ang gagawin natin?
Let me lead you to this site kung saan ako ay na inspire.
 http://www.crosswalk.com/faith/spiritual-life/standing-out-when-you-don-t-fit-in.html#comments  Although i must admit di nman ako ganon ka apekto sa nangyayari sa buhay ko pero somehow someway may kirot nman kahit unti....sa pinakahuling bahagi po nito yung mismong entry ni Pastor Jarrid Wilson who also happens to be a blogger.
STANDING OUT: WHEN YOU DONT FIT IN
Yan po ang title ng kanyang entry. And sa title pa lang ay na struck na akong talaga. Medyo mag flashback lang muna tayo..i came here on visa 18 to work as a receptionist sa Platinum then i was transferred sa isang medyo malaking Salon also as a receptionist baden thank God kase pinalad ako makapag work sa opisina. Dito nga sa Kuwait Gulf Oil Company under a wasta pero hindi naman ako directly hired naka visa ako sa contractor nila kung baga parang agency...Maaring yung iba sa kasamahan ko nagtataka sila na anong ginagawa ko gayong sa salon ako nag wowork pero Madam Hadeel ( special mention ) made me feel i deserve this job. Naluluha tuloy ako as of writting...but anyway...ano ano ba ang pagmamaliit na naranasan ko sa mga katrabaho ko dito? Sa totoo lang hindi ko yun pansin, siguro ganon tayong mga malalalim na sa pananampalataya na hindi negative ang  tingin mo sa mga bagay2, sa mga tao, sa mga actions nila, sa mga sinasabi nila....

  1. Eto yung una kong naranasan. Dahil wala pa akong sariling opisina nun, nakikiupo lng ako sa opisina ng isa kong kasamahan na babae na mabait sa akin. 10 minutes bago mag 3pm sinabi nya "Yalah Michelle lets go." Okey, dahil wala naman akong sariling opisina that time, natural lang na sa pag labas nya ako ay lalabas na din. Eh nagkataon biglang dating nung ipis na espesyalista ng departamento namin. Tumingin sya sa relo nya at sinabi nyang wala pang alas tres mag aalisan na kayo. Nagsisisigaw na sya sa lahat kesyo wag daw ganon, alas tres alas tres daw dapat yun daw ay para sa lahat whether english or arabic daw. Pinatitigil na sya nung mga kasamahan namin ok na ok na kalas kalas sabi nila. Pero yun pala sa akin nya talaga yun pinapaalam, na di ko nman na gets.
  2. Same guy, pinatawag nya ako sa opisina nya, pinakuha nya sa akin sa ibabaw ng mesa nya ang bunch of papers at sabi niya let me see how you fix the papers by subject. Like for example this is for Houston all houston should be piled up together if this is for Termination all papers for termination sama sama dapat. Hello.... hindi ba ako marunong magbasa. Ano ba yun napaka elementary naman nung task na yun hahaha kung magpapaka OA ako napa kinder garden naman ng pinagagawa nya sa akin.
  3. New guy, higher position. Dumaan sya sa department namin kasama ng amo ko. Sino daw yun ( ako daw, yung nakaupo sa loob ng opisina nung ipis ) Sabi ng amo ko, si Michelle yun. Sagot nung lalaki ah yung Kofera ( arabic yan ng taga ayos ng buhok sa salon ) im not sure sa spelling ha. Sabi ni amo ko, shuno kofera, hada sekertera minak! Hindi ka nman mangmang para di mo ma gets yung tema ng usapan nila. nung sinabi yun ng mataas may halong pagmamaliit na kesyo ako ay galing lamang sa salon.Buti na lang nandun yung amo ko.
  4. Yung ipis ulit, nagpunta sya sa opisina ko tinanong nya kung may email addy ako. sabi ko meron ( natural ) ngayon may finorward sya sa akin na email sagutin ko daw yun about dun sa mga contractor employees update ba pinapakuha yung mga name mobile employee number. Ewan ko kung nagulat sya pano ko nagawa. Heler... ano ba yun madali lang naman.
  5. Yung ipis pa din, pinapunta nya ako sa office nya, asking marunong daw ba akong mag email? Pinaupo pa nya ako sa table nya mismo may pinasagot sya na email nya, sya nag didictate ng itatype ko. nagawa ko naman. Meron pang isa na may pinahanap sya na document may pina delete sya at ipina edit of course nasa likod ko sya...ano toh..? Eh para naman nung nag apply ako dito although by a wasta pina take naman ako ng hands on trial sa word, excel, powerpoint which i passed.
  6. Yung ipis pa din, may pinapagawa sya sa akin tignan nya daw kung pano ko yun aayusin. May dinictate sya about proposal for additional benefits sa employees. Sabi nya naiintindihan mo ba ako. I hope na iintindihan mo ako hindi yung type ka lang ng type.
  7. Yung ipis pa din, pinatawag nya ako, "Michelle, whats your qualification?" sabi ko hindi ako nakatapos ng university ( yun ang tawag nila sa college ) nakatuntong ako yes but did notfinished. Pero marunong daw ba ako mag type sa computer... word? excel? sabi ko OO, totoo nman marunong ako nun eh. sabi ko sa powerpoint din medyo pero di ako bihasa...ah no problem i dont need powerpoint sabi nya. tapos yun ulit take this bunch of papers and i want to see how you will organize the papers by subject. Hehehehe nakalimutan nya siguro na pinagawa na nya yun sa akin noon.
sa Point 5 pa lang doon ko na na gets na hindi nya ako gusto, or lets say hindi siguro siya bilib na AKO NA ISANG HAMAK NA PILIPINO, ( ako lang pinoy sa building na yun ) NA WALANG TINAPOS, NA DATING NAGTATRABAHO LANG SA SALON eh nandun sa departamento nila. Naalala ko nga lagi kong sinasabi yun sa aking mister, sabi niya ganyan talaga ang mga ipis. Pero sabi ko ( pinagtatanggol ko pa ) hindi Pa, magaling naman sya hindi naman sya nagdudunungdunungan tsaka mabait sya. Gustong gusto nga sya ng lahat ng kasamahan ko. At nakikita ko naman talaga na mabait sya ayaw nya lang siguro sa akin. Pero pinuri naman nya ako one time nung matapos ako mag relieve ng 1 month sa sekertera ng departamento namin sabi nya JOB WELL DONE MISH. Tapos sabi ko next month din sir yung isa naman erelieve ko kase mag bakasyon din sya. "Oh, really sabi niya. Okey yun maganda yung work nya na yun." Nagagawa ko naman yung mga pinagagawa nila sa akin. Mag two years na ako dito pero ganon pa din ang turing nya sa akin. Pag iniisip ko, nasasaktan ako, naiisip ko bakit kase di ako nagtapos ng pagaaral ko. Pero the text below made me teary eyed talaga... and totoo naman. Like what i said, hindi naman ako ganon ka affected pero at times it hurts. Tanungin ka ba naman ng marunong ka bang mag email, mag send ng email... what's this. Eh noong uso pa ang floppy disk marunong na akong mag computer. Madami akong natutunan sa experience na ito...yun naman ang mahalaga diba. Yung the things you learned from your experiences in life. Dont take it negatively... pero kung kaya lang din ng magulang mo or kung ikaw mismo kaya mo,then strive hard na makatapos ng pagaaral. Diba yun nga ang laging sinasabi sa atin noong maliliit pa tayo na yan lang daw ang kayaman na di pwedeng kunin sayo - ang edukasyon. At iyan lang din daw ang pamana na pwedeng ibigay sayo ng magulang mo. Madami ng nagbago sa akin, malaki na ang nabago sa buhay ko, madami na akong natutunan... noon pag napapagusapan ang pagaaral samang sama ang loob ko sa mga magulang ko.. pero ngayon wala na yun sa akin. Tapos na yun eh, ako din may kasalan bakit di ako nag sumikap na papagtapusin ng pagaaral ang sarili ko. Diba? Hindi pa naman huli ang lahat diba.. hindi natin alam God's Will baka maituloy ko ang pag-aaral ko, makatapos at maging magandang halimbawa sa sarili kong mga anak.

STANDING OUT: WHEN YOU DONT FIT IN

We all want to be liked, cherished, and appreciated by our peers. But what if I told you that God could care less about these things? What if I told you that God didn’t care how many Facebook friends you have, or how many people follow you on Twitter?
And what if I told you that God isn’t worried about how popular you are? In fact, what if i told you that the purpose of the Gospel isn’t to fit in at all, but to in fact stand out…
Romans 12:2 - Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind.
In today’s worth-seeking world, being “liked,” and “wanted” is something we all yearn for. And whether we want to admit it or not, It’s how our culture forces us to feel, and not to mention it’s how our culture advertises us to feel.
The World Says:
  1. Failure is not an option.”
  2. “If you are not first, you are last.”
  3. “If you’re not somebody, you’re nobody.”
But when we begin to look into the depth of Scripture, none of those things are actually true.
God has called us to be different. To stand against the grain. To be a city on a hilltop (Matthew 5:14). And to be the change for a world that lacks hope.
Realizing you don’t fit in is a good thing. You weren’t made to fit in. You were made to fulfill your calling in Christ. You were made to fit out.
Stand tall. Press on.

Pastor Jarrid Wilson

Hindi ba ang ganda ... nakakatuwa... i was made to fulfill my calling in Christ. I wasnt made to fit in dito sa kanila. But i can stand tall and press on. I am not working for man i am working for GOD.




Wednesday, September 12, 2012

Work Experience

Ilang taon na ba ako? Actually hindi ako sure kung ilan na nga...pero 1977 ako. So? Kayo na lang po bahala mag compute kung ilan taon na nga ako.hehehehe
Looking back yan po ang reason why i'm writting this blog...saan ba ako nag simula? What I've learned & gained from my past working experience

SUMMER JOB - at writing that was 20 years ago. My Godfather who happens to be the swimming coach of Colegio San Agustin gave me an opportunity to assist him sa summer swimming class nya. Well very basic lang naman ang ginawa ko, that is to check the attendance and join the swimmers sa pool. hehehehe soooo enjoying the waters na din and earning at the same time. Swimming is one lesson that you need to pass sa PE, i must admit na hindi ako marunong talaga but i  learned how to really swim the right way when i worked with my Ninong ( Godfather in tagalog ). And he encouraged me, sabi nya binata na din sya when he learned how to swim. I did freestyle, backstroke, breast stroke , tried butterfly too, pero honestly di kaya ang butterfly! Mahirap and ayoko na din syang pagaralan at gawin...hehehehe ok na yan at least kaya ko yung freestyle. Hapi na ako dun.

CREW - was interviewed in the Mayor's Office and thought that i will be joining a famous fastfood chain only to find out that it's a popcorn & balloon cart business of the son of then Mayor of Muntilupa. 17 years old naman ako nun when i worked with him and this was in Ayala Town Center.

JOLLIBEE SMART ASSISTANT - and this is what i call real work, with payslip, with training, with sss. I remembered it was Sir Tony who interviewed me one of his question was do you like kids? actually NO! Pero for the sake of the interview i said yes! hehehehe sorry i lied that was before. Na explain ko lang sa kanila na we are handling children sa teatro namin kung saan i am the vice president. So that was it, i was hired @ 18 years of age on October 1995 i started working with Jollibee Ayala Alabang. Helped with store decoration, take orders, answers phone calls for delivery, telemarketing, checks competitor's promos, helps in implementation of promotions, make booking for mascots, balloons & cakes and of course this is where i developed my hosting skills. Learned more on the marketing side, dream ko talaga ma assign sa kitchen pero dun ako napunta eh. FUN naman and i don't regret it. Tapos ang bait2 pa ng Manager namin. I will never forget her, Mam Sheng Hernandez kase i learned a lot from her. i finished my contract here and volunteered to extend for 1& half month pa, then Mam Sheng referred me sa Jollibee Alabang Junction.

JOLLIBEE SMART ASSISTANT - May 1996 i joined Jollibee Alabang Junction. Became a regular and learned more. Mabait din ang Head ko sa Junction and she became a real friend to me... Mam Michelle Jane Nuevo, I'm greatful that i was handled by you. Thank you for being a friend, thank you for trusting me, for believing my abilities, thank you for listening, thank you for being there for me... ALWAYS. Well here satisfied naman ako kase tried all the stations pero as a Smart Assistant talaga ang designation ko, which means more on dining work & hosting. Siguro naman most of the Managers that time will agree na i did it very well sa larangan ng hosting. Kung sa radio ay may MRS most requested song dun naman i was the most requested host. Sa mga bookings ko nga ako mismo naririrnig ko, gusto ko ikaw ang mag host ha, sabi kase ng mga kaibigan ko yung Mitch daw ang magaling mag host. ( hehehehe ) Meron nga din mga balikbayan ako din ni rerequest nila kase ni refer daw ako. Usually kase madaming mga balikbayan ang nauwi lang para magparty ang kiddo nila sa Jollibee. Wala pa yan, pag sa tingin din nila barbaric ang bisita AKO din pinapasabak nitong ni Mam Michelle at ni Rara. Madaming memories sa Junction. I'm proud i was once a part of Jollibee Alabang Junction.

KENNY ROGERS ROASTERS HOSTESS - 1998 i was one of the pioneer of KR Festival Mall Alabang. as usual sa labas na naman ako kahit gustong gusto ko sa loob sa kitchen lagi na lang ako na aassign sa labas. Same work pero wala nga lang parties dun. Love it pag naka WAIT TO BE SEATED na kami, kase mga naka headset or radyo kami...hehehehe here i run for regularization din kaso my attendance was questioned. Pero they appealed my case kaso i declined na din.. why do i have to submit again copies of my Medical Certificates its a negligent on the HR's part. Why they are not keeping those papers that we submit. I can furnish copies of those YES pero sabi ko, hindi na ok na yun at least i know that they recognized my capabilities. Hindi ka naman maging candidate for regularization if di ka deserving diba.

BINGO BONANZA - 1999 i passed the exam, interview & audition as bingo announcer. I was first assigned sa Baclaran Bingo Zone. love a ng players dun kase one time nalipat ako sa Bacoor to train ng link napuno ang suggestion box ng Baclaran pinapapabalik ako and sinasabi din ng players yun na ibalik daw si Mitch. i love the players dun. maingay pero mga totoo. When Cluster 3 link was launch nakilala ako dun bilang pinagamagandang host ng Baclaran. Magtatawanan kami sa link on air kase sasabihin ng Isetan.. Mitch ikaw lang naman kase ang babaeng host sa area natin. hehehe nice to remember those days... well, stayed there for a few months until i became a regular, got married and became pregnant.
My pregnancy gave way to my transfer to Festival Alabang, kung saan very generous magbigay ang mga players. AS IN. Gained a lot of friends here sa work at sa mga players. Special mention ko dito si Olive Rowena Liwanag who knows a lot sa mga problema ko. Actually sya ang Matron of Honor namin nung kinasal ako. Laarni Villaresis my friend na lawyer ang dating sa dami ng alam nya sa mga law law at legal legal na yan. Actually partner ko sya nung magplan kami mag tayo ng Union. Hehehehe Nandyan din si Baby Gy Mary Grace Payumo na naging ka nonstop textmate ko even on stage, si Norman SJ ang buraot kong kumpare, si Mam Analee Calape sobrang bait kong Command Officer, syempre nandyan din ang kwelang si Tina Moyo plus ang kumpare kong di pa nakikita ng inaanak nya na si Cris Bautista! Cris, thank you for the fun times. Promise i enjoyed working with you guys. And i miss your company.  Sa bingo na ako nagtagal. from Baclaran, to Festival, to Bacoor, to Southmall then to Kuwait.

SPA & MORE - arrived kuwait on 2006 via Qatar Airways, October 26 ako dumating then started to work ng November 1 as a receptionist. Sa Platinum Kaifan kami naka assign. Wala masyadong work, pa internet internet lang, pa kape2, pa picture2 at pa mcdo2 lang kaya tumaba ako noon.  The first friends i earned when i first worked abroad ay walang iba kundi ang mga partner ko sa reception na sina Jenny Aguilar & Elmer Marinay. Miss working with you guys. And thank God kahit magkakahiwalay na tayo we still find to communicate paminsan minsan. We will always have that connection kase ninang ninong din sila ng baby ko.

MISS OPRAH SALON - 2008 from Spa & More moved to Oprah due to baladiya checking daw. hindi daw ako pwede sa Spa kase for men lang daw yun. receptionist pa din pero mas madami naman gawa ko dito susuko ang walang tyaga! hahahaha pero thank God, there's a reason for everything and i can say that here i learned humility. Sobrang nag adjust ako d2 kase ang daming nawala sa akin, transport, accomodation, tips, bumababa din sahod ko, humaba ang oras ko etc.. but this gave way for me to be closer to God, got deeper with my relationship with God became the light there. Most of them couldnt believe na may Pilipino daw palang kagaya ko....i dont want to elaborate on this... basta i made a difference thereby proving that not all Filipinos are like the ones that they know. And one funny story din that i want to share is - di sila makapaniwala na totoo ang ngipin ko hehehe kase lahat daw ng kilala nilang Pilipino eh pustiso ngipin. hahahahaha ... Kung meron akong mga treasured friend sa mga dati kong work of course dito meron din and her name is Chandrika Rohini a sri lankan hairstylist.

KANEE - on 2011 i landed job  in Kanee a contractor of KGOC as a technical assistant. My fist time to work full time sa office. Kind of work that never entered my mind. Nung nalipat nga ko noon sa Main Office ng Bingo naloka lokaers ako. Hindi ko line ang office. But look at how God works in our lives, talaga namang 360% change ang gagawin nya pag Siya ang kumilos. Easy work lang naman for me filing2 lang. hehehehe pero gets a lot experience here by replacing some staffs who goes on vacation. So far i have knowledge in the travel side & secretarial job, plus i am at times helping in the insurance side. Thank God for Madam Hadeel Taqi who became the instrument so i can enter this job. God bless her for becoming a blessing to our family. Having this job, gave me more time serving the Lord and more time with my family. I hope to stay here for long until we decide to go home for good.

so.. these are all my working experience.... BOW!